TW: Suicide and Violence
Tinulak-tulak ako sa alon ng mga nagkakagulong tao - mga bata at ilan pang mas matanda sa akin. Pero kalaunan din, tinulak ko na ang mga nasa unahan ko. I heard someone screaming my name, asking me to stop but I didn't. Kailangan kong makita kung anong nangyayari sa unahan. Huli kong narinig ang malakas na sigaw ni Mommy bago ang isang malakas na pagputok ng baril.
I haven't heard about my father and I'm starting to get anxious.
Luminga ako sa paligid ko at nakikita kong umiiyak sila Mother Polly at ang mga Sisters. Sa mga batang nandito ngayon, ako lang ata ang hindi umiiyak.
Nang tuluyan akong nakapunta sa unahan biglang nanghina ang tuhod ko at napaupo ako sa sahig. Mabilis na tumulo ang luha ko. Hindi ako humikbi o humagulgol, napatitig lang ako sa isang lalaki na may hawak ng ulo ng Daddy ko.
Sa gulat ko, lahat ng emosyon ko naipon sa aking lalamunan at halos hindi ako makagalaw.
No.
This can't be real.
He's invisible.
He's the strongest man I know.
Kaya... bakit?
Napatingin ako kay Mommy na nakadapa sa sahig, labis na naghihinagpis sa walang buhay na katawan ni Daddy. I felt sorrow and anger. Bailing my hands into fists as I tried to get up and pushed forward but someone just pushed and pulled me behind. Humalo ulit kami sa mga bata at mga madre habang napapalibutan ng mga armadong lalaki.
Nilingon ko ito at kaagad siyang nakilala. Siya ang tumatawag sa akin kanina - si Tita Lucita, Sister din dito sa shelter, kapatid ni Mommy.
"Hindi ka pwedeng pumunta doon, Lucienne. Hindi nila pwedeng malaman kung sino ka," bulong niya sa tenga ko para ako lamang ang makarinig.
Panay ang dasal ng mga madre at sister at malalakas na iyak ng mga bata sa paligid namin kaya hindi nahalata ang simple niyang pagbulong na pwede naming ikamatay.
I swallowed a sob, crying in silent as I held onto her leg with all of my mighty. Mula dito sa kinatatayuan ko, kita ko pa rin ang Mommy ko na labis ang pag-iyak.
Ang isang lalaking may suot ng maskara ay malakas na tumawa at nagulat ako nang bigla niyang sipain ang ulo ng aking Daddy na tila isa itong supot ng basura o bola. Napasinghap sa gulat si Tita Lucita at akmang tatakpan ang mata ko pero pinigilan ko siya.
"Hindi ko aakalain na sobrang pabaya na pala ni Alfredo para hayaan na lang ang sarili niya na maging kampante kung saan siya pumunta. Does he knew that he has a lot of enemy wanting to cut off his head?!" umalingawngaw ang boses niya at proud sa kanyang nagawa. "Now, The Ponferrada Organization is mine. Wealth and everything! And you belong to me," he smirked and laughed as he grabbed my mother's hair and made her to forcefully looked up to him.
Hindi ko kilala kung sino sila. Marahil ganun din si Mommy at Daddy dahil bago humantong sa ganito ang lahat. Panay ang tanong ng parents ko kung sino sila lalo na ang lalaking nakasuot ng maskara.
We were just having fun for the upcoming event for the shelter when they burst in and ambushed the bodyguards of my family. Gulat ang lahat at bigong nakalaban ang mga alagad ni Daddy. I was aware of my father's whereabouts and he's a good man trying to help those who in needs. Kaya hindi ko alam kung bakit kaya nilang patayin ang Daddy ko nang walang awa.
Hinigit siya nito at napilitan si Mommy na iwan ang katawan ni Daddy.
Lumibot ang mata ni Mommy sa paligid at natagpuan niya ako. When our eyes met, I started to cry... but in silence. I could see that her heart was shattered.
YOU ARE READING
The Lost Heir
RomansLucienne Bree Ponferrada was the daughter of the powerful Mafia Leader. But her parents were killed when she was 14 years old by an unknown organization. She survived her miserable childhood life without letting anyone find out who she was. She trai...