• REVERIE •
Ang lambot naman ng kama ko. Niyakap ko ang unan ko. Bakit ganto ang amoy? Parang panlalake. Bahala na.
Ang sakit ng ano ko. Meron ba ako ngayon? Nag unat unat ako habang nakahiga. Bakit ganito ang lamig? Mas lalo kong yinakap ang kumot ko.
Nagmulat ako bahagya ng mata. Teddy bear na brown sa tabi ng lampshade ang una kong nakita. Kailan pa ako nagkaroon ng teddy bear na brown na human size yata.Pumikit ulit ako. Tumihaya. Bakit white ang ceiling ko? Sa pagkakaalam ko beige yon.
Pinilit kong tumayo. Bakit ba nagiba ang bahay ko?
Inilibot ko ang mga mata ko at hindi ko talaga to bahay. Nasaan na ba ako? Wait saan ba ako galing kagabi?
Sa bar. Birthday ni Steph. Inuman. Sayawan. Tanungan. Banyo. Tapos natumba ako. Tapos si Cassius tinulungan nya akong tumayo.
Yun lang.
"Ang sakit ng ulo ko"
Bahagyang yumuko ako kaya naman nakita ko ang dibdib ko na nakabuyangyang.
"Nakipag ano ba ako kagabi?"
Kinabahan ako. Kung oo man, ito ulit ang unang intercourse ko pagkatapos ng pangyayaring iyon.
Tumingin ako sa ilalim ng kumot at wala nga akong saplot. Tumayo ako yakap-yakap ang kumot. Nakita ko ang damit ko na maayos na nakatiklop at ang bag ko na may sticky note pa.
Kung nababasa mo to ibig sabihin gisng ka na at nasa trabaho na ako. May bagong set ng damit sa banyo at meron ding pagkain sa labas. May advil na din don-V.
Sino naman to?
Nagdalawang isip ako kung maliligo ba ako o isusuot ko na tong damit na suot ko kagabi.
Hindi ko to pwedeng isuot medyo revealing umagang umaga.
Wala akong choice kundi maligo. Paika-ika akong naglakad papuntamg banyo. Ang sakit sakit kasi.
Paano ko nalaman kung nasaan ang banyo? Nakabukas kasi ang pinto nito.
Pagkapasok ko sa banyo ang gara. White Gold and Black ang theme ng banyo kaya naman mukhang magara.
Nagpunta ako sa sink at nakita ko doon ang paperbag. Pagbukas ko ay nakakita ako ng dress at underwear na red. Ano ba yan? Nakakahiya naman sa bumili.
Nandoon din ang mga shampoo conditioner toothpaste toothbrush at kung ano-anong mga gamit. Nakakapagtaka nga at itong mga nakalagay dito ay talagang ginagamit ko.
Ipinagsawalang bahala ko na lang yon at naligo. Habang nasa banyo nakakita ako ng stocks ng baby bath na sabon alam nyo ba yon yung Johnson's Milk + Rice baby bath?
Hala, baka may anak na ang nakarambulan ko sa kama. Nagmamadali akong naligo at nag bihis. Nakakita din ako ng stocks ng Johnson's milk + rice baby lotion at baby powder.
Ano ba yan? Nakakita din ako ng dove na colonge at powder.
May anak na kaya talaga sya? Tapos naalala ko din ang teddy bear na nakita ko kanina. Maaaring sa anak nya yon.
Ano ba yan? Sa lahat ng pwedeng makarambulan ko ay may anak pa. Baka naman single parent? O kaya ay pamangkin lang. Pero pano pag may asawa na sya? Ayokong maging homewrecker.
Pagkabihis ko ay dali - dali kong inilagay sa paper bag ang mga gamit ko. Umalis na ako at hindi kumain. Pagkababa ko saka ko lang napagtanto ko na nasa condominium pala ako.
Pumara agad ako ng taxi at nagpahatid sa Sunny Village kung saan ako nakatira.
Habang wala pa ako don ay tiningnan ko naman ang mga gamit ko kung may nawawala. Salamat sa diyos na wala naman.
Tiningnan ko ang cellphone ko na mag higit 75 msg, at halos 100 calls mula sa mga kasama ko kagabi.
Tinext ko naman silang lahat. Wala din naman akong pasok dahil day-off ko bukas nalang ulit.
Pumikit ako saglit dahil sa sakit ng ulo.
"You're so fucking tight Reverie".
Napamulat ako dahil sa naalala k ko. Ano yon? Kinabahan ako. Habang nasa byahe yun lang ang naiisip ko ang mga katagang yon. Bakit ba hindi ko maalala ang nakaniig ko kagabi ?
Sino ka ba?
Maya-maya pa ay naka uwi na din ako. Unang sumalubong si Minnie ang aso ko.
Nakipaglaro muna ako sa kanya ng konti bago ako tuluyang nahiga.
Iniisip ko kung sino ang nakaniig ko. Pero lumapas na ang higit 30 minutk ay walang kahit sino ang pumasok sa isipan ko.
Sa gitna ng pagiisip ay kumalam ang aking sikmura. Kaya naman nagluto muna ako ng makakain. Isang simpleng hangover soup ang niluto ko. Pagkatapos naman ay uminom ako ng advil dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.
Naglinis muna ako sa kusina bago naman ako natulog ang sakit-sakit na ng katawan ko.
"Let's continue this to my condo baby. "
"You are very pretty without clothes on"
"You are only mine"
"You left me yet I'm still obsessed with you"
Napabalikwas ako ng bangon. Nanaginip ako tungkol sa mga nangyari kagabi.
Hindi ko talaga sya naalala. Pano pag nabuntis ako? Ano na naman ang gagawiin ko?
Hindi pa naman sure kung mabubuntis ako kaya wag munang isipin.
Masakit ang katawan ko kaya naman kumain muna ako uminom ng gamot at natulog na muli.
• KINABUKASAN •
Nagising ako ng maaga. Mas maayos na naman ang aking pakiramdam.
Maaga ako nakarating sa ospital. Nag-ayos ayos muna ako ng gamit. Yumopyop ako sa aking lamesa. Patulog na ako ng biglang bumukas ang pinto.
"Reverie ayos ka lang ba? Why didn't you call me? Saka bakit hindi mo kinain yung niluto ko kahapon hindi ba masarap?"
Tumunghay ako at nagulat sa nakita ko. Si Cassius nakatayo sa may pintuan ko.
"Ikaw yung kagabi?!"
Sya ang nakasex ko. Oh my god! Anong klaseng closure ang pinasok ko?
BINABASA MO ANG
OBSESSION & REGRETS
Romance• OBSESSION AND REGRETS• Back from abroad. She is here for one thing closure with her exlover Dr. Cassius Villareal. The best neurosurgeon in the country. She needs closure to be finally free and start a new life. But what if he has other plans? Wh...