“AHHH!!!Bwiset na buhay 'to,kailan ba ako kikita ng malaki?!."naiinis na saad ng dalagita sa kan'yang sarili at wala sasariling sinipa ang lata ng softdrinks na nakita n'ya sa daan.“Nag-cuttting pa naman ako para dito sa lecheng sideline na yun tapos eto lang kinita ko isang daan!!"inis na inis n'yang dugtong sasarili at binilisan pa ang paglalakad ng makita ang tagpi-tagping bahay nila ng kan'yang lola.Huminto muna s'ya ng ilang metro at pinagmasdan ang kanilang bahay.Napangiti na lang s'ya ng mapait dahil kahit anong pagsisikap n'ya ay nakatira pa rin sila sa bahay na yun,kung saan s'ya lumaki at nagkaisip.At ang kan'yang Lola Dayla lang ang kasama n'ya.Hindi n'ya alam kung nasaan ang kan'yang magulang at wala s'yang pakialam kung nasaan ang mga ito ang mahalaga lang sa kan'ya ay ang kan'yang Lola Dayla.
Huminga s'ya ng malalim at ang kaninang malungkot na mukha ay pinalitan ng isang masayahing expression para hindi makita ng kan'yang lola ang sakit na matagal na n'yang tinatago,bago s'ya tuluyang maglakad papunta sa kanilang bahay.
“La!! Nandito na po ang maganda mong apo.”Bati n'ya ng makapasok s'ya sa kanilang bahay.
Lumabas ang isang matandang babae sa isang pinto kung saan makikita ang kanilang maliit na kusina may hawak pa itong sandok sa palagay niya ay nagluluto ito ng kanilang hapunan.Lalapit palang sana siya dito upang magmano ng ambahan na agad siya ng palo gamit ang hawak nitong sandok,agad siyang umiwas para hindi tamaan ng sandok.
“Easy-han mo lang naman,La.Kadarating ko lang ei tapos sandok agad bubungad sakin,hindi naman ata tama yun."tila nang-aasar pa n'yang saad at ngumiti ng matamis na lalong kinasimangot ng matanda."Tatamaan ka talaga saking bata ka!"pagalit na saad ng matanda at muling umamba ng palo sa kan'yang apo at natamaan na ito sa braso.“Aray ko.”sabay himas ng natamaan na parte ng braso bago tumingin sa kan'yang lola na nakanguso.
.“At ano nanaman itong naririnig kong nag-cutting ka nanaman huh?!!”duktong pa n'ya.
"Huh?Cutting?Sinong nag-cutting,La??"maang maangan ani ng kan'yang apo at bahagya pa itong kumamot sa ulo.
Huminga ng malalim ang matanda bago namaywang sa harapan ng pasaway na apo.
“Manang mana ka talaga sa ama mo,parehong pasaway at sakit sa ulo.”pailing-iling na saad ng matanda.
Unting-unti namang nabura ang ngiti sa mga labi ng dalaga ng marinig n'ya ang salitang ‘ama’ sa bibig na kan'yang lola.
“La,'eto po yung kinita ko kanina."sabay abot ng isang daan sa matanda.“Punta po muna ako sa kwarto para magbihis.”walang lingon lingon itong umalis sa harapan ng kan'yang lola at pumunta sa isang pinto.
Napailing na lang ang matanda sa naging reaksyon ng apo ng marinig nito sa kan'ya ang ama nito.Walang nagawa ang matanda kundi ang ipagpatuloy na lang ang niluluto.
Naiintindihan naman n'ya ang kan'yang apo kung bakit ganon ang reaksyon.
-☪-
SA SOBRANG inis na nararamdaman ko hindi ko namalayan napalakas pala ang pagsara ko sa pintuan ng aking kwarto na alam kong narinig ni Lola ngunit hindi ko na yun pinansin pa.
Dumiretso na ako sa kama at pagod na nahiga doon.Tumitig lamang ako sa kisame ng aking kwarto.Wala akong matandaan kung nakasama ko na ba ang aking mga magulang o hindi.Dahil ng magkaisip na ako ay si Lola lang ang aking nakagisnan.
Kung noong bata pa ako ay nag hinihintay pa akong magparamdam pa ang mga ito pwes ngayon ay hindi na ako umaasa.Kuntento na ako sa aking lola Dayla kahit may pagkamasungit ang matanda ay mahal na mahal ko ito.Kaya gagawin ko ang lahat para dito.
BINABASA MO ANG
The Vampire Sex Slave
Fantasy"It's been 20th years when you are born and it's too long for me to waited for you.It's time to takeyour freedom and to be with me forever."-Kryen Timothy Vlabmir "You're my greatest distraction and the same time my greatest savior."-Cresent Natash...