One Sided Love

23 0 0
                                    


Mas masakit umasa sa mga bagay na ikaw nalang ang kumakapit..

___________________________

2 years ago..

"Jairan!" Tawag ko sakanya. Ngunit dere-deretso ang paglalakad nya. Kaya mas binilisan ko yung lakad para maabutan ko sya.

"Sabi mo susunduin mo ko?" Tanong ko sakanya. Naka-earphone pala ang loko.


"Tinatamad kasi ako. Hindi na din ako nakapunta sa room mo." Malamig na sabi nya.

"Lagi nalang ganyan sagot mo sakin. Ikaw naman yung nangangako hindi naman ako." Sabi ko sakanya.


"Pwede ba kayuki, wag muna ngayon. Sobrang drain kasi ng utak ko. Baka kung ano ang masabi ko." Sabi nya sakin. Sinuot yung earphone at naglakad palayo.


Naiwan akong mag-isa sa gate ng school namin. Sanay naman na ako sakanya pero bakit nasasaktan pa din ako sa tuwing ginagawa nya sakin 'to.


Nagpakawala nalang ako ng isang malalim na buntong hininga tsaka naglakad.



Kinabukasan



Pumunta ako sa bahay ni Jairan. Sasabay nalang ako sakanya pumasok.




Pagkarating ko sa bahay nila nakita ko agad yung kuya nya sa labas.



"Kuya, nandyan po ba si Jairan?" Tanong ko sakanya pagkalapit ko.



"Maaga umalis, kasama ng mga barkada nya. Hindi ba nagsabi sayo?" Tanong nya sakin.




"Hindi nya po nabanggit. Sige po, una na din po ako." Nakangiting sabi ko. Pero pagkatalikod ko, bigla akong nanlumo.



Pang-ilang beses nya na kasing ginawa sakin 'to?



Sumakay na ako sa jeep na papuntang school namin.




"Oy bakla!" Tawag sakin ni Kim. Kaibigan ko sa school. Tumingin lang ako sakanya.



"Anong nangyari sayo? Bakit parang ang lungkot ng buhay mo?" Tanong nya sakin. Umiling lang ako, hindi ko naman kasi pwedeng sabihin sakanya. Magagalit nanaman kasi 'to panigurado.




"Hoy. Tinatanong kita." Dugtong na sabi nya.




"Wala 'to. Masama lang pakiramdam ko." Pagsisinungaling ko.



"Si Jairan nanaman ba 'yan? Diba sabi ko naman sayo tigilan mo na sya. Hindi na healthy yung ginagawa nya sayo girl. Tigil na." Sabi nya sakin.



"Kim, alam mo namang dito lang ako sasaya." Sabi ko sakanya.





"Yung maging tanga? Girl, itigil mo 'yan." Sabi nya sakin.





"Kim, pwede ba? Wag muna ngayon. Ayoko muna syang pag-usapan." Sabi ko sakanya.




"Whatever. Sana magising ka na sa kahibangan mo." Sabi nya sakin tsaka naunang maglakad.



Lagi nalang kaming nag-aaway pag si Jairan yung topic. Nakakapagod na. 

_____________________

Valentines Day

Dahil sobra na ang katangahan ko sakanya, binilan ko sya ng chocolate at flowers. Yes! You read it clear and right. Ako yung bumili sakanya. Mahal ko kasi sya.



Itatama Paba O Tama Na? (Collection Of Hugot One Shot)Where stories live. Discover now