December Rain

455 8 13
                                    

DECEMBER RAIN

By: Maxielinda Sumagang

PROLOGUE

Saang lupalop man ng mundo…

at kahit pagbalikbaliktarin mo man ang buong mundo,

walang lugar na hindi dumadaos ng pasko.

Umiihip palang ang unang hangin sa unang araw ng Disyembre, maririnig mo na ang caroling ng mga kabataan at grupo sa mga kalye at sa labas ng mga kabahayan.

Nakasabit na ang mga parol sa mga bintana’t nakahanda na ang mga regalo na nasa ilalim ng Christmas Tree. Nagmi-midnight shopping at rush-hour shopping para sa Noche Buena. Kakatok sa isa ng bahay at sasabihing “Mano po, Ninong! Mano po, Ninang!” para sa aginaldo. At ang inaasahang, pagdating ng mga kamag-anak at… ang pag-uwi ng mga mahal sa buhay galing abroad.

Ang saya, ‘di ba?

Ang saya ng pasko…

Ako kaya…

Magiging…masaya kaya ako…

Ngayong pasko?

DECEMBER RAIN-CHAPTER  1

[Joanne’s P.O.V.]

“Jingle Bell, Jingle Bell

Jingle all the way!

Oh, what fun, it is to ride,

In a one-horse open sleigh…

Hey!”

“Joanne, labas kana rito! Andito na ang mga tito’t tita mo!” pangungulit parin ni Mama para lumabas ako.

Hindi ako sumagot at hindi rin ako lumabas. -_-

“Ethel, asa’n na’ng maganda mong anak?” tanong ni Tita Anette.

“Ayun… nagmumukmok…nagkukulong sa kwarto…” malungkot na sagot ni Mama.

“Don’t tell me tita, Ate Joanne hates Christmas now after the incident?” ani Jesse

December Rain [ON MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon