Chapter 02
Naabutan ko si Dee at Shang na naghihintay saakin sa harap ng room ni Rex. Pagkakitang pagkakita nila saakin ay agad nila akong nilapitan at hinug.
"Guys, you wouldn't believe kung anong kamalasan at kahihiyan ang nagyari saakin ngayon." sabi ko once na kumalas kaming tatlo sa hug.
"Naku, Cey, kami din may masamang balita saiyo." Medyo kinabahan naman ako sa sinabi ni Dee.
"A-ano yun?"
"Yung ano kasi--"
Pero bago paman matapos ni Dee yung sinasabi niya ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Rex at lumabas ang mom niya. Agad naman akong lumapit sakaniya para sana magmano pero mukhang wrong move yung ginawa ko kasi imbis na sa noo ko dumampi yung likod ng kamay ng mom ni Rex ay sa pisngi ko ito tumama.
"How dare you to visit Rex?! If you didn't texted him to go to that damn park, this won't happen to him! This is all your fault!!!" Sigaw ng mom ni Rex.
Yung nararamdaman ko ngayon ay times 10 pa nung naramdaman ko nung sinampal niya ako kanina. Why is she blaming me sa nangyari kay Rex? Kung tutuusin nga ay hindi ko din naman expected na mangyayari yun e!
"Sorry po, sa totoo lang-" I tried to explain but she cut me off immediately.
"I don't need your explanation, young lady. Now get lost." Sabi nito sabay talikod saamin at nagsimula na itong maglakad palayo.
Hinabol ko naman siya para pakiusapan. "Ma'am please! Kahit ilang minuto lang, gusto ko pong makita si Rex."
Tumigil naman siya at hinarap ako. She eyed me first before saying, "Do you really think Rex is into you?" She shook her head in disgust the smirk, an evil one. Para naman akong sinaksak sa puso ng pailang beses. "For your information, Rex is already engaged with somebody else, so better if lalayuan mo na siya. Besides I don't really like you for my son."
--
Ilang beses ba akong nasampal at napahiya ngayong gabi na ito? Yung iba hindi man literal pero yung impact saakin parang literal. Sobrang sakit malait. Lalo na kung mom ng taong mahal mo yung gumawa noon.
"Cey, smile ka naman. H'wag mo ng intindihin yung bhruhildang nanay ni Rex." Shang said, trying to comfort me. Naglalakad na kami palabas ng hospital.
Yung dapat pinakamasayang gabi ng buhay ko naging pinakaworst. Hindi ko na napigilang umiyak. Gusto kong magwala na parang bata. Gusto kong sumigaw, yung tipong kulang nalang mailuwa ko na yung voicebox ko.
"Hey miss! -- Miss na naka floral dress, stop!!"
"Hoy, miss na nakafloral dress, tumigil ka sabi e!"
Nagulat ako nung biglang may humablot sa kamay ko. Pagtalikod ko ay yung lalaking nakasalamin agad yung sumambulat saakin.
"A-anong kailangan n-nyo saakin?" Kinakabahan kong tanong.
"C-cey... K-kilala mo ba sila?" Pabulong na tanong ni Dee. Pero hindi ko na nasagot yun kasi nasa state of shock padin ako. Plus yung fact na hindi ko din alam kung kilala ko ba sila or hindi.
Hinabol muna nila yung mga hininga nila bago sila sumagot. "Kanina ka pa namin tinatawag! Lutang ka ba ha?" sabi ni -- ano nga bang pangalan ng ungas na ito? Ah basta! Siya na yun!
"A-ano ba k-kasing kailangan niyo saakin?" Tanong ko ulit. Pero imbis na sagutin ako e hinila lang ako ni Mr. Yabang palabas ng hospital. At dahil nashoshock padin ako sa mga nangyayari ay hindi ako makapagprotesta.
"H-hoy! You- you! Bitawan mo si Cey!" Nagulat naman ako nung makita kong pasugod si Shang. Pipigilan ko sana siya kaso nahuli agad siya ni Mr. Glasses. Si Dee din nakita kong hawak na siya nung isa pang lalaki.
"Wag mo akong ma-i-you-you diyan at baka--"
"Baka ano?! Ha?!" Tanong ni Shang. Bigla naman siyang napasinghap. "OMG! Don't tell me kinikidnapp niyo kami?! -- Tapos -- Tapos, dadalhin sa madilim na lugar at.. at... OMG!!!"
Bugok talaga ang babaeng to! --
"Tss. Ano naman mapapala namin sainyo?" Sagot naman ni Mr. Glasses. "Inutusan lang kami ni Young Master na ihatid yan," paliwanag niya sabay turo saakin.
Ihahatid? Ako? "Ihahatid? E bakit naman sa ganitong paraan?" Taong ni Dee mula sa likod.
"E ayaw niyo kasi tumigil e." Sagot naman ni Mr. Sungit napakamot pa siya sa ulo niya, dahilan para huminto ako. "Oh, bakit ka huminto? Lakad na." Utos niya pa.
"Bitawan niyo muna kami." saad ko naman na agad naman nilang ginawa.
Agad na lumapit saakin si Dee at Shang. "I'll explain later guys," bulong ko sakanila kasi alam kong puputaktihin ako ng tanong netong dalawang to, lalo na si Shang. "Basta pagbumilang ako ng 3 takbo na ha?"
Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. "Okay, paki sabi diyan sa Young Master niyo, isang malaking pagkakamali lang yung nagyari kanina. At pakisabi forget niya nalang lahat yun at mag move on na siya." marahan kong sinabi at nagsimulang magbilang ng pabulong. "1..2....3!"
At pag nga naman sinuswerte kami ay saktong may humintong bus sa hindi kalayuan kaya doon kami agad dumiretso. Agad naman kaming sumakay at dumiretso sa likod. They tried to chase us pero saktong nagsara na yung pinto ng bus at umandar na. So ayun, bye-bye weirdo guys na.
Hay grabe! Sobrang malas talaga ng araw na ito!
--xoxo
"What did you just said?!" Gulat na tanong ni Dee, halatang hindi makapaniwala.
"Omg, Cey! Gwapo ba?" Muntik ko ng mabatukan si Shang sa tanong niya. "Cool! Parang she's dating the gangster lang ang peg mo day! O kaya talk back and your dead!!!-- Sana ako din!" Dagdag pa ng murit.
"Naku, Shang! Ewan ko saiyo!" sabi ko nalang sabay sip sa milk tea ko. Kahit kailan talaga ang babaeng ito! Hindi ko ba alam kung bakit ko ito naging kaibigan.
"Pero seriously, Cey? Nangyari talaga yun? Oh baka naman nadala ka lang sa panonood ng mga movies?" Pagtatanong ulit ni Dee.
"Dee, aware ka naman siguro sa nagyari saatin kagabi diba? Siguro naman sapat ng evidence yun na totoo lahat ng kinwento ko di ba? Tsaka yang katabi mong yan ang baka nasobrahan sa mga movies! Kung ano ano lumalabas sa bibig." Pinanlisikan ko naman ng mata si Shang.
"Sabagay, may point ka diyan. Pero bakit parang feel na feel naman nung guy yung pagsagot mo sakaniya, grabe lang ha. Pinanindigan talaga yung pagiging boyfriend."
Napaisip naman ako sa sinabi ni Dee. Bakit parang ang desperado naman nung guy? - Naku Cey, baka nabighani sa ganda mo? Ganda mo kasi sagad.
"Grabe Cey, gandang ganda lang sa sarili?" nagulat ako nung biglang nagsalita si Shang. Napalakas ata yung bulong ko. Kainis.
"Cool, so you mean Cey, mistaken identity ang nangyari?" Agad naman nagpantig yung tenga ko. Ang galing talaga nitong si Dee! Buti pa ang isang to may sense kausap e. "And narealize na yun ng guy kaya hindi ka na nila bina-bug."
Napaisip naman ako sa sinabi ni Dee, oo nga no? After nung nangyrai sa hospital last night ay wala na akong natanggap na kung ano man like text, phone calls or any kahinahinalang bagay until today. I mean kasi kung interesado talaga saakin yung tinatawag nilang 'Young Master' ay malamang just like in the movies ay malamang bumabaha na ang inbox ko at hindi na umitigil sa kakaring ang phone ko, pero hindi e. Oh well, mas better na din yun no!
