Chapter 03
Halos two weeks na since that not so cool incident in the hospital. And hanggang ngayon ay wala parin akong balita about kay Rex, hindi ko alam kung nakalabas na ba siya or kung okay na ba siya. I tried texting him, I even called pero mom niya lang ang sumagot at imbes na gumaan yung pakiramdam ko ay lalong bumigat because of that. As usual ano pa nga ba ang nangyare? Edi sinigawan at sinabihan lang naman ako nito ng kung ano anong masasakit na salita.
"Cey, look!" Pukaw ni Shang sa atensyon ko. Napatingin naman ako sa tinuturo niya. Wala talaga sa tamang timing tong isang to e, kitang naglalabas ako ng sama ng loob e. Tsk.
"Oh? Anong meron sa relo mo?" Tanong ko ng nakakunot ang noo.
Nilapit niya sakin yung relo niya, "Mali kasi yung naisuot kong relo, tapos nung tinignan ko mali din yung oras, buti nalang nasundan niya yung pulse beat ko, ayun tumama! galing no?"
Tinitigan ko lang siya ng matagal. Hindi ko ba talaga alam kung bakit ko natatagalan ang isang to and considering pa the fact na marami naman akong kaibigan. Ewan ko ba naman kung bakit nag-i-stick ako sa isang to.
"Astig ng pulse beat ko no, Cey?" pagpapatuloy pa niya.
"Shang, una sa lahat pulse rate yon—-"
"Ay, oo nga no? Sorry, hahahahhahahahahahaha!"
Ugh. Naman! Okay, hindi nalang ako magsasalita. At baka kung ano pa ang masabi niya at mamaya kung ano pa ang magawa ko sakaniya.
After 1 hour ay nakarating na kami sa mall kung saan namin imemeet si Dee, at sa wakas ay magkakaroon narin ako ng matinong kausap.
"Cey, Cey! Why are you not talking to me?" Pagna-nag ni Shang. Pero hindi ko nalang pinansin.
Ugh. Nasaan na ba si Dee? Sabi niya nandito na siya sa Pastry Ave. pero ni anino niya ay hindi ko mahagilap.
"Shang tawagan mo nga si Dee,—"
Napatigil ako sa pagkausap kay Shang nung mapagtanto ko na wala na pala akong kausap. Ang magaling kong kaibigan? Ayun nasa loob na! And worst? May kausap pang lalaki na for sure ay ngayon lang niya nakilala!
Pumasok ako sa loob ng Pastry Ave. at lumapit sa table nila Shang. I cleared my throat so I could caught their attention and mabilis naman silang napalingon saakin.
"OMG, Cey! Nakalimutan kong kasama nga pala kita," well obviously, iniwanan mo nga ako di ba? "Eto kasing si Gabe e, inaya ako dito, hehe." Dagdag pa niya. At nakuha iya pa talagang magpa-cute.
"Tsk. Grabe, Shang! How dare you! Kinaya mo akong iwanan sa labas para lang sa lalaki!" Paglalabas ko ng sama ng loob.
"Yikes. Sorry, Miss. Think it's all my fault, h'wag mo ng sisihin si Shang." Sabat naman nung Gabe.
I just glared at him. Magsasalita pa sana ako kaso naisara ko ulit yung bibig ko nung marealize ko na isa siya dun sa mga lalaking nandun sa labas ng room nung lalaking napagkamalan kong si Rex. Gulp. Shet. What am I going to do?
I pulled Shang to stand up. Nagulat man siya sa ginawa ko pero wala na akong time para magsorry or magpaliwanag kaya agad ko siyang hinila palabas ng Pastry Ave. Itetext ko nalang din si Dee pag naka-isip na ako ng dapat kong gawin. Ugh. I'm in a deep shit!
"Ano ba, Cey?Bakit tayo umalis doon?" Medyo iritadong tanong ni Shang nang makalabas na kami ng Pastry Ave.
Hindi ko siya pinansin at patuloy lang na naglakad palayo habang patuloy siyang hinihila. Hindi talaga ako pwedeng magkamali, isa siya dun sa mga lalaking nandoon sa hospital nung gabing yun e.
Napahinto ako sa pagkaladkad kay Shang nung bigla siyang huminto. Nakita ko siyang may tuinitignan sa left side niya. And dahil nga nacurious ako ay sinundan ko kung saan siya nakatingin. Wala naman akong nakitang familiar kaya hinila ko na ulit siya at baka narealize na ynung guy sa Pastry Ave. na ako yung babae sa hospital e sundan pa kami nun.
"Wait lang!" Sabi ni Shang sabay hila ulit saakin pahindto. "Hindi ba si Dee yun?" Tanong niya saakin tsaka may itinurong babae sa kaninang direksiyong tinitignan niya kanina.
Tumingin naman ako sa direksiyong itinuro ni Shang. And to my horror, I saw a bunch of familiar faces.
"Cool, ang daming kasamang lalaki ni Dee!"
Napamental face palm nalang ako ng wala sa oras. Shit! Sila yung mga lalaki sa hospital! Ugh. Just when I thought na nakaligtas na ako sa guy na kasama nila sa Pastry Ave. ay hindi pa pala. And yung akala ko na ligtas na ako sakanilang lahat lalo na dun sa guys na napagconfess-san ko ng feelings ko for Rex ay hindi pa din pala. Shit.
Bago ko pa man masabihan si Shang na h'wag tatawagin si Dee at bago ko paman maipaliwanag kung bakit ay huli na ang lahat. Nagawa na niya yung hindi niya dapat gawin. At bago pa man ako makapagprotesta ay nahila na niya ako papunta sa kung nasaan sina Dee. Fudge. I'm so dead!
Shet. Paano na ako nito? Wait. Sa mga napapanood ko pag may mga ganitong scene ay nagdidisguise yung character na in trouble e. So should I do it? Ugh. Good idea na sana e. But how? Oh, Fudge.
"Faster, Cey! Excited na akong makipagkilala sa mga boys na kasama ni Dee. OMG!!"
Nagulat ako nung biglang tumakbo si Shang sa direction nila Dee. And oh my god, as in oh my. Feeling ko malapit ng matapos yung nalalabigg oras ko dito sa Earth.
"Wait lang, Shang! Yung buhok ko!" Halos humampas sa lahat ng makakasalubong namin yung buhok ko. Ugh. Eto ang dis-advantage ng sobrang haba ng buhok e—- waiit.
RIGHT! My hair! I can use it to hide my face!
Agad kong tinanggal yung buhok ko sa pagkakapony at iniladlad ito para matakpan ang mukha ko. Sana lang talaga ay effective ito.
Nung makarating kami sa spot nila Dee ay parang nagulat siya nung makita kami.
"S-shang? C-cey?"
"OMG! Kayo yung dalawang guy na muntikang kumidnapp saamin sa hospital a!" Narinig kong bintang ni Shang sa kung sino man.
"Ohhh, nice to see you again," I heard someone respond.
Fudge I'm right. Sila nga yung mga lalaki sa hospital. But why the hell Dee is with them?
"Oh. It's a small world after all, huh?" Bigla akong napalingon sa nagsalita. My eyes widened when I saw who's talking. Fudge! I. Am. So. Dead.
He's standing in front of me. He's staring at me. And oh my god, he's smirking.
Napatayo ako ng wala sa oras. Halos mapatalon yung puso ko sa kaba. Akala ko hindi ko na siya makikita. Akala ko tapos na lahat yun nung gabing yun. Shit hindi pa pala. Ugh. Where the hell did I put myslef into?
Biglang nabura yung smirk sa mukha niya and started eyeing me from head to toe. After niya akong i-inspect ay tumaas ang kilay niya. What the hell is his problem. May problema ba sakin?
My eyes widens in sudden realization. Minamanyak niya ba ako?! Napayakap naman ako sa katawan ko.
"What. The. Hell. Can't you wear some decent clothes?" Because of that ay napatingin ako sa damit na suot ko. At kelan pa nagkaroon ng policy na bawal magshorts at shirt sa loob ng mall? Can someone remind me? Kasi seriously, ang alam ko walang paki alam ang mall owners sa kung ano man ang suot ng mga pumapask dito.
I rolled my eyes at him. "Seriously? What do you care, Mr.?" Guard lang sa school ang peg ng lalaking ito?
"Of course I should care. You're my girlfriend after all." My mouth dropped open at his answer.
Holy mother of cheese! My feels. I cannot.