Kasi mahal kita.. (one shot)

52 2 2
                                    

"Pwede ba wag mo akong sundan. Kaya ko naman eh." naiinis kong sabi at nagpatuloy ulit sa paglalakad

"Ok lang naman Vera. Ako na rin magdadala niyang libro mo" sabay kuha niya ng libro ko.

"Ano ba Edward! Kaya ko ang sarili ko!" sigaw ko na sakanya

Napayuko siya dahil dun.

"Pwede ba tumigil ka na. Wala ka namang mapapala sa ginagawa mo eh." pakiusap ko sakanya

"Mahal kita Vera. At lahat gagawin k---"

"TAMA NA SABI EH. Tama na! Sawang sawa na ko sa salitang yan" putol ko sa sinabi niya at nagpatuloy nalang sa paglalakad.

Nakakainis! Nakakaasar! Alin ba ang hindi niya maintindihan sa salitang 'tama na'?

"Oh anung nangyari sayo?" salubong ng bestfriend ko

"Wag ka ng magkunwari Jen. Alam kong alam mo kung bakit ako ganito." sabay upo na sa upuan ko

"Si Edward na naman. Bakit ba hindi mo magustuhan iyon eh ang gwapo gwapo pa nga eh. Naku kung sakin lang iyon nanligaw wala pang 1 day sinagot ko na." sabi niyang nagtutwinkle pa ang mata.

"Eh di sayo na. Mas maganda kung ganun para matahimik na ako"

"Oo nga no! San kaya makabili ng gayuma?"

Hinayaan ko nalang siya at di na kumibo.

"Pano ba 'to? Pano nakuha to?" tanong ko sa kaklase ko.

 Lunch ngayon at nandito kami sa cafeteria pero di pa kami kumakain dahil gumagawa pa kami ng assignment.

"Ganito lang yan. Kun---"

"Vera" 

Napatigil sa pageexplain si Carlo ng biglang may tumawag sa'kin.

"Hi Edward" ngiting ngiting sabi ng mga kaklase ko. Ngumiti din siya.

"Vera pinagbili na kita ng lunch. Alam ko namang di ka pa kumakain atsaka favorite mo to" sabay lapag ng binili niya sa lamesa

"Teka lang. Bibili pa pala ako ng drinks mo." aalis na sana siya pero pinigilan ko

"Sayo nalang yan. Hindi pa ako gutom eh" sabay bigay ko ng binili niya

"Mamaya mo nalang yan kainin. Di pa naman yan lalamig agad eh" tanggi niya

Bigla naman nag-init ang ulo ko. Ang kulit eh.

"Pwede ba kunin mo nalang! Ano bang mahirap intindihin sa 'ayoko'!" sigaw ko na siyang naging dahilan para mapatingin ang mga tao sa paligid namin.

Nakakainis! Bakit ba gustong-gusto niya mapahiya? Bakit ba hindi pa siya tumitigil sa panliligaw? Bakit ba hindi niya maintindihan na ayoko na?

Isang taon ko na siyang ginaganito pero wala pa rin siyang pakialam. Halos sikat na nga siya dito sa campus bilang 'basted boy' eh. Pati ang pagiging 'hearthrob prince' niya nawala dahil sa akin pero bakit ganun? Ayaw niyang sumuko.

"S-sorry Vera. A-akala ko kasi gutom ka na" sabi niya at umalis na

"Una ka na Jen. Tapusin ko lang 'to" sabay sulat ko ulit.

It's already 6 at pinauwi ko na si Jen dahil hindi ko pa tapos iyong ginagawa ko. 

"Sige ingat ka ah" paalam niya

After an hour natapos na rin ako. Iisa ko nalang din dito sa room. First time kung makauwi ng ganito kagabi.

Palabas na ako ng gate ng may nakita akong dalawang taong naghahalikan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kasi mahal kita.. (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon