Chapter 4

1.2K 53 18
                                    

Nakapikit kaming tatlo nila Xyra, Luna, Zeke at Ash habang magkakahawak ng kamay. Ngayon ang labas ng resulta ng bar exam namin at malalaman nanamin kung nakapasa ba kami o hindi. Nasa bahay kami ngayon dahil nagdecide kami na sabay-sabay na tignan ang resulta.

"Heto na. Ready, guys?" tanong ni Ash sa amin na halatang kinakabahan

"Ready!" sabay-sabay na sabi naming apat

Bumuga muna ng hangin si Zeke bago sinimulang hanapin ang mga pangalan namin sa listahan ng mga nakapasa. Isa-isa kaming nag-iyakan at kahit si Zeke at Ash ay naluluha habang nakikitalon sa amin nila Xyra at Luna.

"Oh my gooood! Nakapasa tayo!" umiiyak sa tuwa na aniya ko

"Congraaaaats mga baklaaaa! Oath taking na lang ang kulang!" sigaw naman ng umiiyak na si Xyra

"Magiging abogado na tayo! Yuhooooo!" binato ni Luna ang throw pillow habang tumatalon kasama namin

"Hindi ako bakla pero congrats sa ating lahat!" aniya naman ni Zeke na nagpunas ng luha

"Matutuloy na ang pangarap namin ni Luna." parang batang umiyak si Ash na ikinagulat namin dahil usually ay tahimik lang ito

Nagulat kaming lima nang biglang may sumabog na confetti sa likuran namin. Nakatayo ang mga magulang ko, mga kapatid ko at pati si Sunny habang may hawak na confetti canon.

"Congrats!" sabay-sabay na sabi nila

Naunang lumapit sa akin si Sunny na dinamba ako ng yakap.

"Congrats, Ate Avy! I know you can do it!" she hugged me tight

"I'm happy for you, ate." Gran smiled at me and ruffled my hair

"I'll ace my board exam, ate. Congrats!" niyakap ako ni Rayne

"Ate, congrats." tipid na ngumiti sa akin si Lay

Sunny became a famous painter in the country. Gran is still on his medical school. Rayne just graduated and preparing for his board exams, he took Civil Engineering. Lay is still in college and taking IT. Akala nga namin ay ayaw niyang mag-college dahil parang wala siyang maisip na kurso. He's into hacking, and he's really good at it. Kaya siguro kumuha na lang siya ng IT. Though hindi alam ng mga magulang namin na hacker siya, he'll get in trouble.

"I'm so proud of you, princess."

Nakangiting dinamba ko ng yakap si daddy na agad yumakap din sakin at humalik sa sentido ko. Nakiyakap din si mommy sa amin.

"Group huuuug!" masayang sigaw ni Xyra na hinila silang lahat

Kaya ang ending, magkakayakap kaming lahat dito sa bahay kasama ang mga kaibigan ko. My friends are comfortable with my family. Hindi sila ganoon noong una pero ilang taon na rin kaming magkakaibigan kaya syempre naging komportable na sila.

My parents treat them well too. Kahit ang mga kapatid ko na mailap ay okay din ang pakikitungo sa kanila.

Nagkaroon ng maliit ng salu-salo sa bahay dahil sa masayang balita. Napakaingay ng mga kaibigan ko at halatang at home na at home sila. Para tuloy nadagdagan ang mga anak nila mom at dad.

"Mom, is Kai sleeping?" I asked

"Yeah, mukhang napagod. Gigising din 'yon maya-maya." nakangiting sagot ni mommy

"Na-miss mo nanaman, 'no?" natatawang tanong ni Sunny

"Ang cute kasi." nakangiting aniya ko

I excused myself after finishing my food. Sinabi kong babalik din ako agad pagkatapos kong silipin si Kai. Maingat kong binuksan ang pinto ng kwarto niya para hindi siya magising. Napakangiti ako nang makita siyang himbing na himbing ang tulog.

Capturing The Grand DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon