HILLARY
Binaba ko ang hawak kong spatula nang marinig ko ang boses ng mga bata. Lumabas ako mula sa kusina at sinalubong silang lima. The two boys are arguing again.
"Weak ka naman maglaro, e!"
"Hindi ako weak! Madami lang cheater dyan sa nilalaro mo!"
Namaywang ako sa harap nila, "Ano nanaman pinag-aawayan nyo? Baka gusto nyong maparusahan ulit?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanila
Maayos na tumayo ang dalawa at nanahimik. Pumasok si Avery na agad humalik sa pisngi ko at nanatiling nakayakap sa bewang ko. This little girl is always sweet.
"Hi, mom. Are you baking again?" Kai greeted and kissed me on my cheek
Binaba nya sa sofa ang mga bag na dala nya, mukhang siya nanaman ang nagbitbit ng mga gamit ng dalaga namin.
"Yup! Gumagawa ako ng crepes." masiglang sagot ko sakanya
"Hi mom, I want strawberry crepes." bati din sakin ni Gran na kakapasok lang
"Magbihis muna kayo sa taas at ipapatawag ko kayo pag tapos na ang meryenda."
Mabilis silang sumunod at nagsi-akyatan sa mga kwarto nila. Tinulungan ako ng ilang mga kasambahay na gawin ang crepes para mabilis kaming matapos. Inihain na namin iyon sa mesa ng matapos kami at syempre ginawa namin ang mga flavor na paborito ng mga bata.
Ipapatawag ko na sana ang mga bata kay manang pero hindi ko siya mahanap kaya ako na lang ang nagpasyang umakyat sa taas para tawagin sila. Kinatok ko silang lahat at pinababa na, huling bumaba si Avery dahil natagalan sya sa pagligo.
Kakatukin ko na rin sana si Grayson sa home office niya nang mapansin kong may kausap pa sya sa loob. Aalis na sana ako nang marinig ko ang huling sinabi niya.
"Why is that woman still so persistent? She left Avery and now she's looking for my daughter?"
Which woman and what about our daughter? Alam kong hindi dapat ako nakikinig pero tungkol ito sa anak namin.
"Pagkatapos nyang mawala ng ilang taon, bigla syang sumulpot ulit, Sir. Mas hinigpitan po namin ang surveillance sa mga nakakasalamuha ni Ma'am Avery." rinig kong sabi ni Baron
Hindi ko napigilan ang sarili ko at binuksan ang pintuan. Gulat na nakatingin sa akin si Grayson nang bigla akong pumasok.
Anong tinatago sa akin ng asawa ko? At ilang taon? Ilang taon na nyang tinatago ito sa akin?
"Can you leave us alone, Baron?" pakiusap ko
"Sige po, mauna na po ako." paalam nito sa amin
"What is happening, Grayson?" matigas na tanong ko sa asawa ko nang makalabas si Baron
Malalim na bumuntong-hininga sya at nilabas ang isang folder. Lumapit ako sa mesa nya at binuksan iyon. Tinignan ko ang bawat litrato at binasa ang bawat report.
"W-What is this?" gulat na gulat na tanong ko
Nagsimulang manginig ang kamay ko nang makita ang babae sa litrato. Hindi man siya hawig na hawig ni Avery pero hindi maipagkakaila na magkamukha sila. At hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ang ibig sabihin ng mga litrato at report na to.
"She came back in the orphanage a year after we adopted Avery. I blocked every information that she can take and there's no way she can find Avery. Pero hindi ko alam na pabalik balik pala siya doon at nakita nya tayo kasama si Avery. She found out who we are and she suddenly disappeared.
Bigla siyang lumitaw ulit ngayon pagkaraan ng ilang taon. I did a background check on her and found out that she was in prison, her case was murder. Pero nakalaya sya dahil napatunayang hindi sya ang pumatay. I got her case investigated and found out that it was her brother who killed that person."
BINABASA MO ANG
Capturing The Grand Duke
RomansaKairro Angelo Echevarri, the only Grand Duke of Mexico, he came from the noblest family who always guards the country. His family is the only noble family who protected the imperial family during a coup d'etat hundred years ago. He was supposed to b...