OS: Aljohn

1 0 0
                                    

Aljohn
written by: exquisitesunset
Date Posted: April 14, 2022

"Bes, crush mo. Yieeee!" pang-aasar ni Michelle sakin. Sinindot niya pa ang tagiliran ko.

"Bes naman, e."

Halos itago ko na ang mukha sa hiya ng tawagin niya si Aljohn. Lumingon ito kaya tinuro ako ni Michelle sabay tawa. Bumilis ang tibok ng puso ko ng biglang tumawa si Aljohn. Tinakpan ko ang aking mukha ng libro na hawak-hawak ko.

Ang crush ko since elementary. Palagi kaming mag-kaklase hanggang ngayon. Kahit ngayong Grade 9 na kami, crush ko pa rin siya. Siya ang una na pumansin sa akin noong Grade 4 kami. Transferee kasi ako that time. Wala pa ako kilala at medyu hiyaan ako. Si Aljohn ang unang lumapit at kinausap ako. Sobrang bait niya saka matalino pa.

"Ang gwapo talaga ni Aljohn, noh?" sabi ko habang nakatingin kay Aljohn.

Bahagyang nilingon ako ni Aljohn. Nandito kami ngayon sa canteen. Kumakain ng spaghetti si Michelle at pizza naman sa akin.

"Ikaw ha! Crush na crush mo talaga siya," nilingon ko siya at tumili sabay tango. Napailing naman siya sakin at nagpatuloy kumain.

Tiningnan ko si Aljohn na bumibili. Nakangiti ito sa tindera at minsan tumatawa pa. Kinuha niya ang binili niya at mukhang nagpasalamat muna ito sa tindera bago lumabas sa canteen. Nakatingin lang ako sa kanya. Ganyan naman palagi, e. Hanggang tingin lang ako. Nahihiya kasi ako na kausapin siya at kapag pinapansin niya ako palagi ako nauutal. Palagi ako na inaasar ni Michelle dahil dun.

"Aljohn, tawag ka ni Lea." Tinulak ako ni Michelle kay Aljohn sabay tawa.

"Ang gwapo talaga niya, bes. Sa tingin mo, may girlfriend na siya?" bulong ko.

Tumawa si Michelle. "Sandali, tatanungin ko."

Wala kami ngayong teacher kasi may meeting sila. Lumapit siya kay Aljohn at may sinabi.   Tumawa naman si Aljohn at bahagyang lumingon sa gawi ko kaya tinakpan ko ang mukha ko ng notebook.

"Bes, wala daw," aniya kaagad pagbalik sa upuan. "May chance ka pa."

"Mukhang wala naman akong pag-asa sa kanya," mahinang bulong ko.

"Gaga, hindi mo pa nga sinusubukan. Wag kang mag-alala, tutulungan kita."

Inakbayan niya ako at sabay kaming tumingin kay Aljohn na kinakausap ang kanyang mga kaibigan.

Tiningnan ko si Michelle at ngumiti. She wiggled her eyebrows and laughed. Michelle is my bestfriend since elementary. Masaya ako dahil naging kaibigan ko siya. Hindi niya ako iniiwan at palagi siyang nandiyan sa tabi ko. At ganun din ako sa kanya. Walang sisira ng pagkakaibigan namin.

"Ma, CR lang ako," tumango si mama habang kausap ang mama ni Michelle. Inayos ko ang toga ko. Graduate na ako sa senior high. Ang bilis lang ng panahon.

Nagpatuloy ako sa paglalakad ng makita ko si Michelle kasama ang boyfriend niya. Nakakainggit naman si Michelle. May boyfriend na siya, ako wala.

"Bes, congrats. Graduate na tayo!" she greeted me and gave me a tight hug. I hugged her back.

Sinulyapan ako ng kanyang boyfriend kaya napaiwas ako.Ngumiti ako. "Kayo din, congrats bes at sa'yo rin... A-Aljohn."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Folders of ARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon