~
"Sana"
Ilang parinig pa ba ang dapat gawin,
Upang malaman mong sugatan ang damdamin
Nawa'y iyong damhin,
Napakasakit mong mahalinNagtataka ang damdamin
Bakit nakakaya mo akong tiisin?
Ang iyong damdamin,
Ay wala bang pagtingin?Ang hirap mong paamuhin,
Ang puso ay tila nasa pain
Hiling ko lang naman ay iyong piliin
Mahirap ba iyong gawin?Puso ko'y handang apihin,
Handang masaktan at maging alipin
Kung sakit ang tanging kaya mong ibigay sa akin,
Walang pag-aalinlangan ko itong tatanggapinBawat sakit at pighati ay sasaluin,
Huwag mo lang akong limutin
Humihiling sa mga bituin,
Na sana'y mag-iba ang ihip ng hangin~