XVIII

9 2 0
                                    

~

"Pasensya"

Nakakapagod din pala,
Marinig ang katagang "pasensya na"
Kapag paulit-ulit na,
Nakakasawa rin pala.

Ilang beses na ba ito?
Tiyak ko ay lagpas na sa daliri ko,
Kailan ka ba magbabago?
Pagod na ang puso na maghintay pa sa 'yo.

Tuwing may tampo sa isa't-isa,
Hinahayaan mo na ako sinta.
Wala na ang lambing sa iyong mga salita,
Palaging bukambibig mo ay, "hindi ko sinasadya".

Tao rin ako,
Napapagod at sumusuko.
Nagpapatawad at natututo,
Pagkat lahat ngayon ay malabo.

Ngayon ay sarili ko muna,
Bago ikaw na aking sinisinta.
Pasensya na,
Ngunit tulad mo, ako ay pagod na.

~

Pahina ng Luha (mga tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon