TRUTH OR DARE?

12 0 0
                                    

KASALUKUYAN akong nasa loob ng jeep, hindi gaya ng nakasanayan, maluwag ang espasyo ngayon dahil kokonti ang sakay na pasahero. Kadalasan kasi ay tanghali na ako kung pumasok sa aking trabaho kung kaya't madalas ay puno at animo'y mga sardinas kung mag sisikan ang mga pasahero, halos maghalo-halo na nga ang amoy ng lahat sa sobrang lapit sa isa't-isa.

Mas maigi pa pala na maagap pumasok, hindi hassle ang biyahe.

Simple at normal lang naman akong mamamayan. At masaya ako sa aking buhay, bagaman hindi maiiwasan ang pagbugso ng problema ay tuloy pa rin sa agos ng buhay. Nagtatrabaho ako sa isang tanyag na Super Market dito sa aming lugar. Isa akong kahera doon, at kahapon lang ay nakatanggap ako ng e-mail mula sa HR namin tungkol sa promotion ko bilang regular employees sa kompanya.

Nang dahil sa sobrang tuwa ko ay maaga akong nagising ngayong araw, at walang paglagyan ang tuwa at galak ko ng dahil sa natanggap na magandang balita. Last day na kasi ng pagiging probationary employee ko. Sa pagkakaalam ko kasi ay madalang ma promote ang katulad kong hindi naman nakatungtong ng college degree. Kalimitan kasi ay yung mga four year course graduate ang prino-promote nila. Kung kaya't labis ang saya ko sa pambihirang oportunidad na ito.

Ang saya saya ko! Haaay! Hahaha!

Kahit mukhang tanga ay nakangiti ako hanggang makarating ako sa trabaho. Dumiretso ako sa locker room at doon inilagay ang mga gamit ko. Mukhang ang agap ko talaga ngayon. Wala pa kasi yung mga katrabaho ko----

"Woah! Himala Chelsea, ang aga mo ngayon ah!"

Halos mapalukso ako sa sobrang gulat, at napasigaw pa ako. Awtomatikong sinamaan ko ng tingin ang nag mamay-ari ng tinig na 'yon, na ngayon ay tinatawanan na ang naging reaksyon ko. Tss.

"Ano ka ba naman, Janine! Ginulat mo ko!" singhal ko sa kanya.

Lalo pa siyang humalakhak, kung kaya't sa sobrang inis ko ay sinapak ko siya, nainis din siya sa ginawa ko at ayon nagsabunutan kami hanggang sa ipatawag na kami ng HR dahil sa komosyon na nangyari, galit na galit ang HR at nadismaya sa inasal namin. Ora mismo ay kinansela ang promotion ko at pareho kaming pinatalsik sa trabaho, syempre biro lang 'yon. Imahinasyon ko lang.

"Sorry." maya-maya ay sabi niya nang matapos siyang tumawa.

Nginitian ko na lang siya saka nagpatuloy na ako sa pag aayos ng gamit ko. Si Janine ay isa sa mga naging kaklase ko mula pa noong elementary, hindi ko masasabing malapit kami sa isa't - isa dahil kahit naging magkaklase kami noon pa, ay ayaw ko sa kanya. Napakakulit kasi niya at masyado siyang maingay. Walang sekretong hindi nabubunyag sa kanya.

Naalala ko nung medyo bago pa lang kami dito sa trabaho ay pinagkalat niya na jumebs ako sa oras ng klase noong kami ay nasa elementarya. Grabe ang kahihiyan ko noon at halos tuksuhin na ako ng lahat ng mga ka-trabaho namin ng dahil sa sinabi niya. Asar na asar talaga ako sa kanya. Hindi na naman niya kailangan pang ikwento 'yon diba? Grabe, kumukulo talaga ang dugo ko sa babaeng' to kapag naaalala ko 'yon. Tss.

Naupo muna ako sa bench dahil maaga pa naman.

Ilang sandali pa ay dumating na rin ang mga katrabaho ko. Nagulat din sila ng makita nila ako. Pero hindi ko na lamang sila pinansin sa halip ay pinagpatuloy ko na lang ang pagkutingting sa cellphone ko at nag salpak ng earphones saka nakinig ng musika.

Nagulat ako ng may biglang humila sa isang earphones ko!

Pagtingin ko ay isang pares ng asul na mga mata ang nasalubong ko. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin at napaka seryoso niya.

Ako ang unang bumawi saka tiningnan ang paligid, bigla kong naitulak ang nasa harapan ko ng makitang marami palang nakatingin sa amin at nanunukso ang mga tingin nila! Bigla akong nakaramdam ng inis at hiya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Truth or Dare (One Shot Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon