Chapter 1

43 2 5
                                    


Isang daang libong taon na ang nakalipas ng mag simulang mag hasik ng lagim sa lupa ang mga demonyong galing sa impyerno. Isang laban na alam natin kung sino ang mananalo.. At ang mga demonyo ito. 

Ano nga ba ang laban ng mga tao sa mga demonyo?

Wala.

Subalit hindi nawalan ng pag asa ang mga tao na manalo sa gyera kahit alam nila na ang mga armas na kanilang ginagamit ay walang epekto sa mga naturang kalaban. Imbis na mag sanay upang maging mandirigma ang mga tao, sila ay pinapapunta sa mga kumbento upang maging mga pari o maging mga madre sapagkat alam nila na ang tanging panlaban lang nila ay ang kanilang panananalig at pananampalataya sa Diyos. 

Gamit ang bibliya at banal na tubig ay napupuksa nila ang mga demonyo. Noong una ay naging epektibo ang kanilang dasal at banal na tubig sa pag gawa ng eksorsismo sa mga demonyo. Ito ang naging mitsa upang mag liwanag ang apoy ng kinabukasan upang sila ay manalo sa gyera.

Mas nanaig ang pag asa ng mga tao ng dinggin ng Diyos ang kanilang panalangin. Isang espada ang bumagsak mula sa langit at lahat ng demonyo sa paligid ng espada ay napulbos. Nag liwanag ang espada at naging dahilan ito upang hindi makalapit ang mga demonyo sa mga tao. Subalit ang espada na ito ay hindi rin mahawakan ng tao sapagkat sobrang init nito. 

Isa isa pinapunta ng Hari ang pinaka magigiting na kawal sa kaniyang kaharian ngunit walang may kakayahan na hawakan at hugutin ito sa bato kung saan ito bumagsak.

Bandang huli ay walang naka-hugot ng espada, patuloy pa rin ang pag atake ng mga demonyo sa iba ibang rehiyon ng mga tao.

-

Nalaman ng Hari ng impyerno ang balita pa tungkol sa espada na galing sa langit. Ipinadala niya ang pinaka magiting niyang tagapag lingkod na si Primo sa lupa upang mamuno sa kanilang pananakop na isinasagawa.

Si Primo ang demonyo ng Poot (Wrath) presensya niya pa lang ay sapat na upang masira o mawasak ang na sa paligid niya.  

Nag patuloy sa pananakop ang mga demonyo sa pamumuno ni Primo ngunit lingid sa kaalaman nila na may isang bata na pinagkalooban ng kakayahan upang gamitin ang banal na espada.

-

Mayroon isang bata na laging sinasabi sa kaniyang mga magulang na siya ay nananaginip na siya ang mag aalis ng espada sa bato kung saan ito nakabaon. Ngunit hindi siya pinaniwalaan ng kaniyang mga magulang. Mistulang isang panaginip lamang daw ito at malayo raw sa reyalidad. Ang pamilya kung saan nag mula ang bata ay tila nawalan na ng pag asa at hindi na naniniwala na kaya pa nilang puksain ang mga demonyong sumasakop sa kanila. 

Sa pagkadismaya ng bata ay tumakbo ito papunta sa gubat para doon ilabas ang kaniyang saloobin. Hindi niya magawang magalit sa mga ito sapagkat nakita niya ang kanilang pinagdaanan simula nung nag umpisa ang gyera. 

Hindi niya napansin na napa-sobra na siya ng layo at naririnig na niya ang mga ingay ng tao at demonyo sa kung saan siya naroroon. May isang malakas na pag sabog siyang narinig malapit sa kaniyang kinatatayuan at nakita niya ang isang demonyo ngunit ito ay hindi basta basta demonyo lamang. May mga pakpak ito na parang sa angel ngunit kulay itim ang mga ito, nakita rin niya ang mga tao sa pagligid ng naturingang demonyo na unti unting nasusunog.

"Nyke Primo, ēlī hen issa brōzi, jentys hen qringaomnon se nyke kesīr naejot eliminate se glaeson va these tegor!" Sigaw ng demonyo at tuluyan na ngang nasunog ang mga kawal at pari na humarap sa demonyo na ito. (Translation: Ako si Primo, kauna-unahan sa aking pangalan, leader of the Sin at aking sasakupin ang buong kalupaan na ito.)

Nagsitakbo ang mga natitirang kawal at pari sa kinaroroonan ng bata upang lumikas at magtago dahil alam nilang wala silang laban  sa dumating na demonyo. Tila hindi makagalaw ang bata sa kaniyang kinatatayuan kahit ang mga na sa paligid niyang tao ay nagtatakbuhan na papalayo sa demonyo. 

Natawa ang demonyo sa kaniyang nakitang pag likas ng mga kawal at pari na humaharap sa kanila. Napansin naman niya ang bata na mistulang naging bato at hindi makagalaw sa kaniyang kinatatayuan. Iniikom ng demonyo ang kaniyang pakpak sa kaniyang likod at nawala ang apoy na bumabalot sa paligid kung saan siya nakatayo. Nag tungo ito sa kinaroroonan ng bata at may ibinulong sa tainga nito.

"Nyke jāhor daor ossēnagon ao. Nyke ȳdra daor ossēnagon riñar. Nykeā mere riñnykeā should mazverdagon rūsīr zūgagon amongst pōja giez lives. Ziry iksos nykeā sȳrkta ñuhoso hen instilling zūgagon iksos naejot mazverdagon pōja lives nykeā living nopāzma." Bulong ni Primo sa bata. (Translation: I will not kill you. I don't kill children. A mere child should grow with fear amongst their whole lives. It's a better way of instilling fear is to make their lives a living hell.)

-

Sa kabilang banda kung saan naroroon ang banal na espada. Ito ay mistulang nag liwanag at hindi maipaliwanag ang init na lumalabas sa espada. Bigla itong nahugot sa bato at umangat sa langit. Nagulat ang mga taong nag tatangka hugutin ito dahil walang kahit sino man ang may kakayahan na tiisin ang init na ibinubuga sa kapaligiran ng banal na espada. 

Bumagsak ang espada kung saan naroroon si Primo at ang bata. Pareho silang tinamaan ng banal na espada ngunit walang galos o sugat na natanggap ang bata sa pagkakabagsak ng espada sa kanilang dalawa, samantalang si Primo naman ay lubhang nasugatan sa pagbagsak ng espada kahit na siya ay nakalayo bago pa ito tumama sa lupa.

"Arrgh! Skorkydoso gōntan bisa egros jiōragon kesīr!" Sigaw ni Primo habang hawak niya ang kaniyang tagiliran. Dumaranak ang dugo sa kaniyang sugat at tila nanghihina siya habang malapit siya sa espada. (Translation: Arrgh! How did this sword get here?!)

Hindi rin makalapit sa kaniyang mga alagad na demonyo sapagkat hindi pa sila nakakalapit ay nagiging abo na ang mga ito. Nasaksihan din ng mga kawal at mga pari na lumilikas ang nangyari at nagkaroon ng lakas ng loob na sugurin si Primo. 

Hindi makalipad papalayo si Primo ng dahil sa panghihina na nararamdaman niya. Nag handa siya sa huling laban na mangyayari sa buhay niya. 

"Nyke jāhor vīlībagon ēva issa mōrī paghagon. Maghagon ziry va mortals!" Sigaw ni Primo. Sumugod sa kaniya ang hukbo hukbong mga kawal at mga pari para mapuksa ang isa sa pinaka malakas na demonyo na nakaharap nila. (Translation: I will fight until my last breathe. Bring it on mortals!)

Nakita ng bata na paparating na ang hukbo kung saan sila naroroon. Nag dalawang isip siya kung hahawakan ba niya ang banal na espada para patayin si Primo o tatakbo ba siya papalayo kay Primo. Isang desisyon ang magpapabago ng takbo ng gyera. 

Ang desisyon ng bata na tulungan si Primo. Tumakbo ang bata kung saan naroroon si Primo at hinila ito papalayo kung na saan ang banal na espada. Nakita ng mga tao ang ginawa ng bata at pinagbantaan ito na siya ay papatayin sapagkat siya ay nag mistulang traydor. 

Patuloy pa rin ang bata sa paghila kay Primo papalayo sa espada at habang papalayo sila ng papalayo ay unti unti ng gumagaling ang sugat na natanggap ni Primo. Inutusaan ni Primo ang mga demonyo sa kapaligiran na umatake sa mga kawal at pari. Sumunod naman ang mga ito sa utos ni Primo. 

"Lumipad ka na!" Sigaw ng bata at binitawan na niya ang pagkakahawak niya kay Primo. Ibinuka ni Primo ang kaniyang pakpak at lumipad na palayo, sumunod naman na sa kaniya ang mga demonyo na inutusan niyang sumugod upang maalalayan siya.

Primo's WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon