Chapter 2

18 3 1
                                    

Habang lumilipad palayo si Primo ay nakatingin siya sa bata. Kitang kita niya sa kaniyang sariling mga mata na nakangiti sa kaniya ang bata bago pa ito bugbugin ng mga kawal na humahabol sa kanila.

Itinali ng mga kawal ang bata at dinala ito sa kaharian upang litisin at para mahatulan kung ano ang dapat maging kaparusahan. Itinali nila ang bata sa isang kabayo at pinalakad ito. Labis na ang pagpapasakit ng mga kawal sa bata at ang mga pari naman ay walang ginagawa upang pigilan ang pagmamalupit ng mga kawal sa bata. 

Ilang araw rin ang naging paglalakbay nila papunta sa kaharian. Hindi manlang binigyan ng pagkain o kahit tubig ang bata halos bawian na siya ng buhay sa kanilang paglalakbay. 

Ikinulong nila ang bata sa isang selda sa ilalim ng palasyo. Binigyan siya roon ng pagkain ngunit ito ay hindi na ka-aya aya ang lasa maski ang tubig na ibinigay sa kaniya ay kakaiba rin ang lasa. Tiniis na lamang niya ang gutom na kaniyang nadarama sapagkat alam niya sa kaniyang sarili na hindi na rin siya magtatagal at bibitayin na rin siya. 

-

Ipinatawag na ang bata sa isang tribuna kung saan kaharap niya ang matataas na opisyales ng kaharian kasama na rin dito ang hari. 

Kinaladkad ng mga kawal ang bata papunta sa tribuna at ibinalibag ang bata sa harap nito. Tumunog ang isang malakas na kampana hudyat na mag sisimula na ang pag lilitis.

"Mag sisimula na ang paglilitis!" Banggit ng isang kawal.

"Ano ang iyong pangalan bata?" Unang tanong ng opisyal ng defensa.

"A-arthur D-d-decimo po." Hirap na hirap na sagot ng bata. 

"Decimo? Hindi na ako mag tataka kung bakit mo iyon nagawa. Ang isang bata na galing sa pinakamahirap na pamilya ay hindi malabong kumapit sa kasamaan." Saad ng hari kay Arthur at sa lahat ng tao na nakiki-usisa sa paglilitis na nangyayari.

"Hindi na kailangan ng palilitis sapagkat ikaw ay pinapatawan ko ng kamatayan bilang paru--" Napahinto ang hari ng marinig niya ang isang malakas na pag sabog hindi kalayuan sa palasyo.

"MAHAL NA HARI!! UMAATAKE ANG MGA DEMONYO SA ATING BAYAN!" Sigaw ng isang kawal habang tumatakbo papunta sa tribuna. Napatayo naman ang hari at ibang opsiyales sa kanilang narinig na balita.

"Lahat ng kawal at pari ay papuntahin niyo sa bayan. Ibinalik niyo sa selda ang bata na yan.: Utos ng hari sa mga naiwan na kawal na nag poprotekta sa kaniya at sa ibang opisyal.

Dinala ng mga kawal si Arthur pabalik sa kaniyang selda ngunit lingid sa kaniyang kaalamanan ay mayroon naghihintay sa kaniya doon. Ipinasok na ng mga kawal sa selda si Arthur at ikinandado ito.

Naupo si Arthur sa isang sulok ng selda at tahimik na umiyak sapagkat alam niya sa sarili niya na walang maniniwala sa kaniya. Hinatulan na siya kahit hindi pa niya na-isisiwalat ang dahilan kung bakit niya ginawa yon. 

Nakarinig naman ng mga pagtawa si Arthur at naging dahilan upang hanapin niya kung saan nanggagaling ang mga pag tawa na iyon. Laking gulat niya ng makita niya sa madilim na parte ng selda ang demonyong tinulungan niya, nagkasalubong ang kanilang mga tingin at ang demonyong nagngangalang Primo ay lumapit kay Arthur.

"Nykeā demon should dōrī sagon isse gēlȳn naejot anyone. Lo nykeā demon iksos isse gēlȳn, pōnta jāhor sagon aōha servant syt se rest hen aōha glaeson." Ani ni Primo habang diretso pa rin ang tingin kay Arthur. (Translation: A demon should never be in debt to anyone. If a demon is in debt, they will be your servant for the rest of your life.)

"Bakit ka naririto? D-delikado dito.. U-umalis ka na.. I-iligtas mo ang iyong sarili." Saad ni Arthur habang siya ay nanghihina ngunit hindi nakinig sa kaniya si Primo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Primo's WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon