88

38 3 13
                                    

App: Messenger via Instagram

April 14 | 12:00 a.m.

Langit
HAPPY MONTHSARY, MAHAL <3
Sisikapin kong maaga matapos ang shoot namin mamaya.
Can't wait to see you, Grasya, miss na miss na kita
Puntahan kita mamaya sa condo niyo, punta tayo sa condo ko
Mahal na mahal kita, Grasya

5:23 a.m.

Honey Grace
Happy monthsary, Sky
Ingat ka sa biyahe papunta sa lugar kung saan kayo mag s-shoot
I love you too

6:17 a.m.

Langit
NURSE NAMBIBIGLA KA NA NAMAN
HAHAHA, DELIKADO KO NA TALAGA

8:11p.m.

Langit
Grasya, hindi pa rin kami tapos, sorry, love :(
Hindi ko alam anong oras matatapos 'to

Honey Grace
Ayos lang, wala namang problema sa'kin 'yon

Langit
Did you received my gift? HEHEHE

Honey Grace
Ah oo, hahaha
Thank you, ang effort mo ah

Langit
Syempre, kung para sa'yo. :)
Wait, love, shoot na ulit namin
Seen 8:15p.m.

11:00p.m.

Langit
Love, I'm outside on your condo
Gising ka pa ba?

Honey Grace
Sky!
Anong oras na bakit ka pa nandito?

Langit
Kasi monthsary natin, love
Wala pang 11:11 'di ba?

Honey Grace
You remembered that huh

Langit
Lahat ng tungkol sa'tin ay nakatatak na sa isipan ko, love
Papasukin mo na ako oh

Honey Grace
Oo na 🙄

***

Dahan-dahan akong lumabas sa kwarto ko, dahil baka magising ko si Vera. Oo, medyo inis ako kasi hindi kami magkasama sa importanteng araw na 'to, but he has a career to take care. So I understand, I need too.

Bumaba ako at agad na nagtungo sa pintuan, agad kong hinawakan ang door knob at binuksan ito. Bumungad sa'kin ang mukha ni Sky na nakangiti, ngunit halata sa mukha nito ang pagod kung titignan mong mabuti.

"11:11, happy monthsary, love." Then he pulled me into a tight embrace.

I was stunned for a bit, ba't naman kasi nanggugulat eh?!

"Happy monthsary, Sky," I replied.

Pinapasok ko siya sa loob, baka kasi may makakita sa 'min, mahirap na. Pinaupo ko siya sa sofa. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pag-uusap namin.

"Sky,"

"Grasya,"

Sabay naming sabi, kaya sabay rin kamijg natahimik. Natawa nalang siya pagkatapos at gano'n din ako.

"May gusto ka bang kainin, Sky? 'Yong binili mo palang cake hindi pa nagagalaw," wika ko.

"Kahit ano, basta luto mo." Nakangiting sabi niya.

Agad akong napairap.

"Huwag kang mag reklamo kung anong lulutuin ko ha," saad ko. Sabi niya kasi kahit ano, baka pag pakainin ko ng miswa 'to, hindi ito kakain. Pero hindi ko naman siya lulutuan ng gano'n. "Kusina muna ako."

Beneath The Rain (Inspired Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon