Hi! Ako nga po pala si Mark Anthony Barackel. Ako yung tipong masaya at kontento sa mga maliliit na bagay na ibinibigay ng aking mga magulang. Mahirap lang kami, pero kahit na ganito ang naging estado ng buhay namin, masaya pa rin kami, dahil kahit papaano, buo at magkakasama kami, ako, ang mama, papa, at isa kong bunsong kapatid na si Jason Mark Barackel.
Nasanay na ako sa mga trabaho, kargador, delivery boy, hardinero, at kung anu ano pa.
Lagi ko namang kasama ang aking "Partner"
Si Pareng Ian Jake Burce. Siya yung tipong, matulungin at maaasahan sa oras ng "Gipitan."Sa mga trabahong pinasukan ko, halos kaming dalawa ang magkasama..
Mahal na mahal ko ang pamilya ko, kaya lahat ginagawa ko para sa kanila...
.
Hindi ko lubos maisip kung ano talaga ang gusto ko. Oo, kagaya nyo teenager palang po ako, 15 ang edad, at nakatapos lang ng 3rd Year high school. Kasing edad ko din si Jake
Pero 2nd Year high school lang din ang kanyang natapos..
Pero kahit ganito lang ang natapusan namin..
May pangarap kami.
YOU ARE READING
I Believe In Love
Teen FictionSadyang di mo lang talaga nanaisin ang isang bagay kung di mo ito pinahahalagahan.