Mark's POV'
Matapos ng kagabing napagusapan namin ni pareng jake, kinaumagahan pumunta kami kaagad sa shop para kausapin si aleng nita, dahil magpapaliban muna kami para maghanap ng isa pang trabaho para maa mapadali ang pagiipon namin.
Sa flower Shop..
" Aleng nita magpapaliban po muna kami dito sa shop. Maghahanap po kami ng isa pang trabaho para po sa pagiipon namin ni pareng mark"- paliwanag ni jake
" Iho, alam nyo naman na nagiisa lang akong namamalakd ng shop. Baka gusto nyong palitan ko kayo?" katwiran ni aleng nita.
" Aleng nita wag naman po. Maghahanap lang po kami ng isa pang trabaho para sa aming pagiipon, at ngayong araw lang naman po kami maghahanap. Di naman namin kayo iiwan sa pmamalakad ng shop nyo. " ako na mismo ang nagsabi.
"Oh sya, pumapayag na ako. Pero bukas pumasok na kayo ah?" - aleng nita.
" Maraming salmat po aleng nita!" sabay naming sabi kay aleng nita.
Laking gulat na lang namin ni pareng jake ng may humintong kotse sa tapat ng shop.
" Lola, di na po ako magtatagal babalik na po ako sa maynila, baka kasi hinahanap na ako nina mama." sabi ni luis sabay yakap kay aleng nita.
" Ang dali mo naman apo. Magiingat ka ha? Wag masyadong mabilis ang pagpapatakbo ng sasakyan. " sabi ni aleng nita habang umiiyak.
" Maraming salamat lola. Mark, jake, kayo ng bahala kay lola ha? Wag nyo syang pinagpapagod." pakiusap ni luis habang nakatingin sa amin.
" Makaka asa ka luis." - jake
" Di namin sya pababayaan."
" Maraming salamat mga pare, mauna na ako lola. I love you. " - luis.
" Mag-iingat ka apo ko.." - lola
" Opo lola."
Tsaka sya sumakay sa kotse at umalis na.
Kami naman ay nagpaalalam na din kay aling nita tsaka sumakay ng jeep.
" jake, saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay jake habang nakatingin lang sya sa daan.
" Pareng mark, may kakilala ako. Nagtatrabaho sya sa isang sikat na Catering service. Marami daw kasing nagsi alisan na empleyado doon. Kaya doon tayo papasok." ani ni pareng jake.
" Di ba alanganin sa schedule natin sa shop?" tanong ko.
" Di naman din pare kasi gabi lang naman sila, at tsaka mga magarbong tao ang kumukuha sa kanila. Sikat sila pare, malaki din ang sweldo. Sayang naman kasi diba?" - jake
May punto doon si jake kaya sinunod ko na lang din sya at di na nagtanong tanong pa, hanggang sa makarating kami sa lugar kung saan ito ang kompanya ng catering service na sinasabi ni jake.
Maya maya pa'y pumasok na kami sa loob. Sa di kalayuan may naring kaming boses na nagmumula sa isang kwarto sa bandang huli sa loob.
" kulang na kulang na tayo sa tauhan. Anu bang nangyayare dito? " sabi ng isang lalake, sya siguro ang manager.
" Di na po kasi nila nakayanan ang ugali ng boss natin dito, masyado syang mapangmaliit ng kapwa, di nya kasi naiisip na kami ang nagpapagalaw ng kompanya nya." katwiran ng isa.
" Sinabi ko naman diba sainyo noon pa man na magtiis diba? Ngayon may alam ba kayong gustong pumasok?" sabi ng lalake.
Bigla na lang kaming napansin na nakikinig sa usapan nila. Yun pala nakita ni jake yung sinasabi nyang kakilala at sinenyasan nya ito na nandito na kami.
"Sila nga pala sir ang sinasabi kong gustong pumasok sa trabaho." paliwanag ng isang lalake.
" Oh mga iho, bat di kayo pumasok. " paunlak sa amin ng lalake.
" Ako nga pala si Albert Rosias, ang manager ng Catering service dito. Sigurado ba kayong papasok kayo dito? " tanong sa amin ni jake.
" Opo naman." sabay namin sabi ni jake.
" Ito lang ang paalala ko, wag kayong sasagot sagot sa ating boss, makikilala nyo din sya mamaya, habaan ang pasenysa at kapag oras ng trabaho, magtrabaho. Wala kayong ibang gagawin kundi ang magsilbi sa mga bisita." Mahinahon at seryosong sabi ni sir albert.
" Ok sir makakaasa kayo. Ako nga pala si Jake
YOU ARE READING
I Believe In Love
Teen FictionSadyang di mo lang talaga nanaisin ang isang bagay kung di mo ito pinahahalagahan.