KAI's P.O.V."Disidido kana ba talaga anak? Bakit sa Manila kapa kung kaya ka naman namin ipasok ka sa University dito kung saan mo gugustuhin " sabi ni Mama habang nagliligpit ng mga kakailanganing gamit ko. I sighed.
"Ma, sure na po ako. Ito po talaga ang dream ko. Makapag aral sa isang university sa manila at Ma, full scholarship ang offer sakin dahil sa volleyball di ko naman papalampasin yon Ma." sabi ko at tinignan siyang maluha luha na. "Haysss. Si Mama talaga oh. Alam mo Ma, pwede naman tayong mag usap kahit araw-araw pa. May skype, may video call, kahit sa TV makikita mo ako in the near future. Hahaha" natawa nalang si Mama sa mga sinabi ko.
"Zane, ano ba yan. Huwag mo nang pigilan ang anak mo. Pangarap niya yan." Dagdag ni Daddy at tumulong nalang din sa pag iimpake ko ng mga damit.
"Kung kailangan mo ng tulong anak tumawag kalang ha. Hindi ka namin papabayaan ng Mama mo kahit nasa Manila kana."
"Oo naman Dad. Kayo kaya ang inspirasyon ko!"
"Sus nang bula pa. Porket parehas kayo ng Daddy mo na mahilig sa sports eh" sabat ni Mama na siyang ikinatawa namin habang nag aayos ng mga gamit ko.
Sa bawat tiklop ng damit ko ay hindi padin ako makapaniwala. Totoo ba to? Scholar na ba talaga ako ng UST? Sobrang kinakabahan ako sa maaaring mangyari sakin. Pano kung hindi pa pala enough yung mga laro ko? Pano kung maikakatalo ng future team ko ang mga larong naroon ako? Mas kinakabahan ako sa mga naiisip ko.
Kinabukasan hinatid na ako ng Pamilya ko sa Iloilo Airport. Yep. Laking Iloilo ako. I'm proud of that. At sobrang proud ako dahil isa ako sa mga studyanteng kinuha ng UST Manila University sa taglay ko sa sports, yun ay volleyball. Laking sports ako. Mapa table tennis, basketball, tennis, basketball ay kaya kung laruin. I love ball games. Especially volleyball. Natuto akong maglaro ng volleyball when I was in my 4rth grade. So early yes, but since that day, I dedicated myself unto it. I'll be a professional volleyball player in the future. Since I entered my High School, napapasali ako sa intramurals sa School. Hanggang sa kinuha ako ng Team ng Ateneo de Iloilo na maging bahagi during conference sa iba't ibang school. I received many awards sa volleyball at yun ang naging dahilan kaya nagpatuloy ako. I want more. Nagpatuloy ito hanggang sa Grade 10 journey ko sa ADI (Ateneo de Iloilo). Mas na inspired pa ako lalo nung may naganap na Conference sa school namin. It's the game between Creamline and Balipure from different universities in Manila. I saw how determined the players to win the game. Mas na motivate pa lalo ang fighting spirit ko na maging katulad nila. A professional volleyball player. Hanggang sa dumating ang time na may isang Coach na nakakita ng potential ko sa paglalaro as a setter. He said I am amazing when I set the ball to my spikers. I am so happy that time. It's overwhelming. After my Grade 12 graduation in ADI, that Coach came back and offered me a full scholarship in UST. Wow. Di talaga ako makapaniwala nung time na yun. Akala ko joke lang niya pero may contract siyang pinakita sa school para maniwala. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko noong panahong iyon. Ang saya at nakakakaba.
"Mag-iingat ka anak ha. Ang kalusugan padin ang importante sa lahat. Hindi ka makakapaglaro kung mahina ang katawan mo" sabi ni Mama. Niyakap ko naman siya ng mahigpit. "Oo naman Ma. Ano pa't inalagaan niyo ako ng mabuti tapos papabayaan ko lang ang katawan ko? Basta Ma, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para maka graduate ako sa kabila ng pagiging volleyball player ko. Pangako yan"
"Future Architect yata yang kapatid ko! Halika nga bunso! Wala na akong makakalaro ng basketball nito." Sabi ni kuya Kit at niyakap din ako.
"Pasali naman diyan" sabay din yakap ni Kuya Kimmy sa akin. "Mamimiss kita bunso. Mag iingat ka doon ha." bilin pa niya.
"Naku tama na nga yan. Mahuhuli kana sa flight mo niyan eh" sabat ni Daddy at natawa nalang kami kase siyempre moment niya na eh.
"Dadddd, I'll miss you. Alagaan mo palagi ang sarili mo ha. Naku Dad wala na sayong mag-aaway kapag nagkataon" natawa nalang si Daddy sa sinabi ko.
"Oo naman. Bibisitahin ka namin don kapag may oras kami ha. Mag-iingat ka. Mahal na mahal kita anak"-sabi ni Daddy at niyakap ako the last time.
"Sige na anak. Pumasok kana sa loob." Sabi ni Mama.
"Dito nalang kami at baka pigilan kapa ni Mommy sa pag-alis mo Kai. Haha" natawa nalang ako sa sinabi ni kuya Kimmy na ikina nguso naman ni Mama. For the last time, I hugged my family. Bago pumasok sa loob ng airport, I bid my last goodbye.Masakit ang mawalay sa pamilya pero para sa pangarap, ipapaubaya ko nalang sa maykapal ang lahat. Para to sa kanila. Sila ang naging inspirasyon ko kung bakit ipupursue ko itong goal ko.
Kasama ko nga pala si Coach at isang assistant niya. Sila ang maghahatid sa akin sa UST. Hanggang ngayon ay hindi padin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Pero sisikapin kong maging maayos ang lahat. For my future career in volleyball and for my studies. After all,my studies is my number one priority. I want to be a successful Architect.
YOU ARE READING
Love Is Colorful [On-going]
Teen FictionThis story is more on LGBTQ's content. Inspired by Deanna Wong and Jema Galanza's life story but not totally the same. This story runs in my own wild imagination.