PROLOGUE

2.1K 73 24
                                    

Prologue

Lirabelle Fajardo

It was our first month of being grade 11 student. Parang junior high lang din, but there's difference in subjects. Mas marami, tapos mas mahirap din. Hindi naman ganun kahirap pero...siguro nasanay lang talaga ako na chill nung junior.

Moreon writings din and I expected it naman kase I take HUMSS strand. Balak ko kasi na mag-FA. Pabor din ito sa akin lalo pa at mahilig naman akong magsulat sulat, isa pa ay yung communication. Kaya, hoping na mairaos ko ang strand na 'to hanggang grade 12.

Naglakad-lakad muna ako sa hallway dahil maaga pa naman. Alas syete pa ang start ng first subject namin.

Feeling ko napaka-lonely kong tao while watching those students hanging out with their friends. Bakit kaya hindi ko magawang maging komportable sa mga kaibigan ko kagaya ng nagagawa ng iba?

I also have friends but I can't even tell them a story or a chikas. Parang hindi ko magawang maglabas ng saloobin, opinyon o whatever sa kanila.

I have a friends kase before but I feel left out when I'm with them. They make me feel like I'm in the place I didn't fit of. It was like I'm forcing myself to be with them. Kahit ayaw naman nila sakin.

Have you ever felt that? Yung parang you're just forcing yourself to be with those people even though they make you feel unbelong. Ang unfair non. No matter how nice and careful you are to them, they will not acknowledge that.

Kaya siguro nasanay na rin ako na kahit sinong makasalamuha ko, maging close ko man or friend, hindi ko magawang mag-open sa kanila kase feeling ko they doesn't care for me.

Psh. Forgive me. Ang ramdom ko talagang magdrama.

Pumasok na ako sa classroom namin dahil malapit na rin namang mag-seven. May ilan na rin namang student dito sa loob.

"Ang pogi pala nung teacher natin sa GenMath!" may tumitili sa likuran ko.

"Oo nga, kahit two hours pa ang sub niya okay lang!" tumili rin ang isa.

"Truth!"

Ano naman kaya kung pogi? Kapag mahirap ang subject, mahirap. Walang pogi poging teacher dito!

Jusko. GenMath pa naman. Math! Pinaka-hate ko sa lahat!

"Balita ko fresh board passer pa 'yon. Kaga-graduate lang ng BS in Education Major in Mathematics, tapos Cum Laude pa!"

Napalingon ako sa likuran ko. Napatingin din sa akin ang nagsasalita dahil sa bigla kong paglingon.

"Grabe ka naman bii. Napaka-resourceful mo naman. Pati 'yon nalaman mo pa?"

"Ako pa. Syempre!" they laughed. Napatingin sa akin si Lea. "Oh, Lira. Baka naman ma-inlove ka rin kay Sir na 'yon. Kaya ko na. Ako na'ng bahala." nagthumb sign pa siya sa akin.

Umiling ako at ngumiwi. "Ayoko. Pet peeve ko 'yong matalino sa math."

I just don't like math. Nahihirapan akong intindihin lalo na yung may problems. Kaya I never imagine myself being in love with a man who's smart and love math. Baka hamunin pa ako sa kahinaan ko. Olats ako non.

Sa third row ako nakaupo, sa may gilid. At itong lalaking katabi ko, hindi na siya lumipat ng upuan!

Hindi naman sa ayaw ko siyang katabi, I was just expecting na lilipat siya ng upuan ngayong mahigit isang buwan na rin naman kaming nagkaklase. Malay ko ba. Baka gusto niyang katabi mas maganda, o kaya mas matalino.

Minsan ay tahimik lang kami sa room, pero minsan ay bigla nalang siyang nambubwisit. 

Nagsimula na ang first subject namin. Si Ma'am Rich ang teacher namin sa writings and siya rin ang class adviser namin. Mabait siya at magaling din magturo. Napakahinahon magsalita. And every words na sasabihin niya ay napakalinaw. Like the way she explained every lessons. Siya iyong teacher na hindi ka aantukin kahit pa mahinhin ang boses.

LOVING YOU RAISED TO THE INFINITE POWERWhere stories live. Discover now