CHAPTER 1

1.9K 61 22
                                    

Chapter 1


May nabasa ako na post sa social media. Ang sabi 'we found peace when we're at home'. Sabi pa ng ilan, sa bahay mo mararamdaman ang lahat, na sa bahay mo rin matututunan at pwedeng ilabas ang lahat. Home must be our first place to go through ups and downs.

Pero parang kabaligtaran naman yata iyon ng sa akin. Our home for me doesn't make me feel at peace.  Rather, it make me feel awful and down. Parang ang hirap namang sabihin na may kapayapaan sa bahay na puno ng panghuhusga, pang mamaliit, at hindi ka pwedeng magdesisyon.

I used to love to be at school than to be at home. Mas masaya ako sa school kahit pa hindi naman ako ganung ka-friendly. Sa bahay kasi nahihirapan akong gumalaw lalo pa kapag andun si Mama. Parang robot nga ang tingin niya sa aming magkakapatid na dapat sa kaniya palagi ang sunod.

"Lira, may formal attire ka ba diyan?" tanong ni Ate.

"Saan mo gagamitin?"

"Sa school malamang. Alangan namang mag-formal attire ako sa gala." ngumiwi siya sa akin.

Binato ko siya ng unan ko. "Nagtatanong lang! Taray mo!" tumayo ako at lumapit sa drawer ko. "Wala naman akong damit eh."

Sa totoo lang karamihan sa damit ko sinasabi niyang baduy. Kasi pang 90's daw. Marami kasi ay pants na wide leg tapos yung skirts ko mahahaba tapos maong type pa. And sa shirts ko naman mas bet ko talaga yung mga clean type na damit, iyon bang walang designs.

"Kahit dress, okay na. Ba't kasi kailangan formal pa sa reporting eh!" napakamot batok pa siya bago lumapit sa akin.

"Reporting lang eh, stress ka agad."

Sinamaan niya ako ng tingin. "Palibhasa kasi eme palang pag senior high. Pag ikaw talaga nasa college na, wag kang magpapatulong sakin ha!"

"Kung makakapag-college."

We both went silent.

Sa totoo lang, academic achievers talaga kaming tatlong magkakapatid, kahit iyong bunso naming lalaki nasa junior palang honor student din. Pero hindi namin alam kung lahat ba kami makakapagtapos ng pag aaral. We wanted pero depende parin talaga sa desisyon ni mother earth.

"Kaya yan." sabi nalang ni Ate. "Huy hanapin mo na ang dress!" pagbabago niya ng usapan.

"Wala akong dress! Ito, gusto mo?"

Ipinakita ko sa kaniya ang long skirt ko na may slit tapos 'yong mera top ko na white.

"Amputa. Hahawaan mo pa ako diyan sa tita outfit mo!" she rolled her eyes.

Sa huli hihiram nalang daw siya sa kaibigan niya. See? Wala siyang mapapala sakin when it comes to outfit. Ako kasi 'yong tipo na okay na basta nakadamit.

Kinabukasan ay maaga na akong lumabas ng bahay para mag abang ng tricycle. Hindi naman ganun kalayo ang Montilano School dito, mga eight to ten minutes lang ang biyahe.

Tumigil pa itong tricycle sa tapat ng isang bahay.

"Kuya, bakit ka tumigil?" hindi naman flat ang gulong, wala namang pumapara. Don't tell me, may nakikita siyang hindi ko nakikita?

Sumilip siya sa akin sa loob. "May inaantay lang. May pasahero ako dito eh, nagpapaantay lang."

"Kuya, school ang pupuntahan ko ha, baka ma-late ako." I said.

Ngumiti siya sa akin. "Wag kang mag-alala, iisa lang naman kayo ng pupuntahan. Pareho lang kayo ng school."

Tumango nalang ako. Maaga pa naman kaya it's fine. Akala ko kasi ay kung sino lang ang inaantay niya at baka magtagal pa.

LOVING YOU RAISED TO THE INFINITE POWERWhere stories live. Discover now