Prologue
A/N: Grammatical and Typographical errors ahead..
ANG INIT SOBRA. Pawis kong pinunasan ang aking noo dahil sa pawis na tumatagaktak. Nandito kasi
kami sa hacienda Buenavidez. Nautusan akong magwalis sa paligid ng mansyon nila. Sa kasalukuyan nandito ako sa mga kwadra ng mga Baka at Kalabaw. Nagpapahinga sandali. Pagkatapos nito doon naman na ako sa Garden nila. Yun na yung huli. Kinuha ko kasi Ito upang may dagdag pambaon ko sa skuwela. Lalo pa at binigyan kami ng dalawang linggong bakasyon ngayon ng June, wala naman daw kaming gagawin masyado. Pagkatapos ng dalawang linggong bakasyon ay babalik narin kami aasikasuhin ang graduation of Senior High hihihi at kung may mga kulang kami.Kita ko ang mga baka na payapang kumakain. Ang tataba nila ang ganda ring pagmasdan. Tuwing nakakakita naman ako ng mga Farm Animal at sumusaya kalooban ko.
Napahinto ako sa pagtitig ng bigla akong may narinig na nagsasalita di kalayuan sa gawi ko, batid ko si Manong Isko iyon.
"Senyorito Icaroz, nandito ho yung mga baka iniwan sa amin ni Senyorito Icroz dahil may pinuntahan lamang sya sa bayan" rinig kong pagkakasabi ni Manong Isko. Isinawalang bahala ko iyon at tuloy parin sa pagtitig sa mga baka. Ang cute nila.
"Sel, anong ginagawa mo ditong bata ka?" Napatalon ako dun. Lumingon ako sa gilid ko at nakita kong papunta sila Manong Isko dito.
" Eh tatay nagpapahinga lang po ako dito" nahihiya kong sabi kasi nasa gilid din nya yung isang Lalaking matikas ang katawan, matangkad, at may mabigat na otoridad sa hangin.
Oo tatay ang tawag ko kay Manong Isko kasi naman lahat ng taga dito sa amin ay mababait.
"Heto nga pala si Senyorito Icaroz, Selestina. Senyorito heto naman si Selestina" buong pagmamalaki sa akin ni Manong Isko. Nakakahiya.
" Magandang umaga po Senyorito" magalang at nakatungo kong sabi. Di ko matagalan ang kanyang titig.
" Magandang umaga rin" maikli nyang sabi. Yumuko ako bilang bigay galang.
"Tatay aalis na po ako" pagpapaalam ko kay Manong Isko.
"Saan ka pupuntang bata ka?" Takang tanong ni Manong. Nakita ko kasing bumaba ang tingin nya sa akin walis at daspan na hawak ko.
Nahagip ng tingin ko yung Senyorito Icaroz, na kanina pa pala nakatitig sa akin. "Napag-utusan po kasi ako ng mayordoma. Wala po si Rose kaya ho ako yung napag-utusan. Tinanggap ko narin po para dagdag kita. Kasi malapit narin po yung pasukan nitong katapusan ng Marso" pagpapaliwanag ko.
"Oh sya Sige, pagkatapos nyan dumiretso ka sa bulwagan at may ibibigay sayo si Seling bago ka raw umuwi" pagkatapos nun at tinalikuran na ako ni Manong, yung Seling at ang mayordoma ng Mansyon na 'to mabait sya.
Tumalikod na ako at handa ng umalis pero sa di inaasahang pagkakataon at nakatapak ako ng bato dahilan kung bakit ako nawalan ng balanse. Napapikit ako at handa ng bumagsak ng may maramdaman akong bisig na sumalo sa akin.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata, napatitig sa Senyorito na nakasalo sa akin. Nanlalaki ang mata ko sa nakikita. May mahaba syang pilik mata, kulay asul ang kulay ng mata nya. Matangos ang ilong, makapal ang kilay at mapupulang labi. Napalunok ako sa aking nakikita.
"Baby, be carefull next time will you?" Baritonong boses ang narinig ko. Kay sarap pakinggan ang boses nya.
Dahan-dahan ay itinayo nya ako. Umayos ako at nagsalita.
"S-salamat po S-Senyorito Icaroz" nahihiyang sabi ko.
"Your welcome baby"
Tama ba ang narinig ko? Baby? Namumula ang pisngi ko, balak ko sanang tanungin sya ng nakita kong nakalayo na sila ni Manong aalis na rin sana ako ng bigla nalang syang lumingon. At biglang kumindat.
Naiiling ako sa nangyayari. Malanding Senyorito. Humagikgik ako sa naiisip ko.
PS: Hi my rossie's. Enjoy ur day. Have a good Friday and holiday to all of us❤
YOU ARE READING
Akinston Series Generation 1: Corrupted Her Innocence (On-Going)
RomanceIcaroz Leizen Buenavidez a man who can't tame by everyone. A ruthless and cold as ice like blizzard you've ever met. Everything he wants will be his including the woman he desired. Maria Selestina Ramirez 18 years old feminine and innocent girl na l...