CHAPTER 02

1.7K 69 9
                                    

02.

A/N: Grammatical and Typographical errors ahead..

PAGKATAPOS ng nangyaring yun sa kubo ay dali-dali akong umalis doon. Hindi dahil sa takot kay Senyorito Icaroz kundi dahil sa tibok ng aking puso. Malakas ang kabog, kapag nandyan na sya ay kinakabahan ako. Kapag malapit sya sa akin naghuhumirantado ang aking puso. Kapag ganun kami kalapit para na akong m-mamatay sa di ko malamang dahilan.

"Maaaaaa! " tili ko pagkatapos kong mag-ligpit ng aking higaan. Diretso ako sa kusina at kita ko ang aking ina na nasa harapan ng kalan. Si papa naman ay nasa lamesa nag kakape.

"Oh anak ang aga mo, Alas kwatro palang ng umaga." Turan ng aking ama. Pinagmasdan ko ang mukha niya nang ako'y makaupo sa lamesa. May kulubot na ang muka tanda na may edad na. Hayssssss!

"Opo Pa, sasama ho ulit ako sa inyo sa hacienda. Tsaka para rin po makatulong yung kinikita ko sa oag iipon nyo sa pag aaral ko." Nakangiting Turan ko.

"Ang nag iisa kong anak" rinig kong sabi ni mama. Napatingin ako sa kanya at kita kong papunta sya sa aking direksyon.

"Ang aming dalagita, naku anak alam mo? Mahal na mahal ka namin ng tatay mo kahit mahirap ang buhay natin. Magta-trabaho kami ng maigi para matupad mo yung gusto mong maging isang Business woman hindi ba?" Sabi ni Mama sabay halik sa aking pisnge. Humagikgik ako sa sayang nararamdaman ko. Napatingin ako kay Papa na malamlam na nakatingin sa amin ni Mama.

"Aking mag ina... Napaka swerte ko at ibinigay kayo sa akin ng Panginoon.. Malaking pasasalamat ko at nandito kayo nagpapalakas sa akin." Nakangiting ito sabay punta sa amin at niyakap kami ni Mama. Napapagitnaan ako ng magulang ko.

Ok na yung ganito, ok na yung buhay na 'to para sa akin. Kuntento na ako at wala na akong mahihilingin pa. Simple ng buhay, mapagmahal na magulang, kahit mahirap nagtutulungan.

"oh sya kumain na tayo! Maaga pa tayo sa Hacienda ng mga Buenavidez para makarami tayo" sambit ni mama tsaka humiwalay sa amin.

Umayos kami ni Papa at umupo sa kanyan-kanyang upuan. Tinulungan ko si mama mag handa at sabay sabay kaming nagsalo, pero bago yun ay kailangan ng pananalangin para sa pagpapasalamat sa mga pagkaing ibinigay sa amin ng Panginoon.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang may nag busina sa harapan ng bahay. Nagkatinginan kami nila papa.

"Sino naman kaya iyon, mag a-alas singko palang ng umaga." Nakakunot ang noo ni Papa. Akmang tatayo ng pigilan ko sya.

"Ako na ho Pa.. " sabay tayo ko sa aking kinauupuan.

Nagpunta ako sa pinto upang buksan iyon. Dumiretso ako sa bakod ng bahay namin na may gate na kawayan..

Di ko maaninag ng maayos dahil sa medyo madilim pa..

Nang ako'y makalapit tsaka lang nanlaki ang aking mga mata dahil sa gulat. Di ko rin inaasahan na sya pa pupunta dito.

Ang isang Senyorito nagpunta dito sa bahay namin? Take note nasa labas sya ng sasakyan at nakasandal sa pintuan nito.

Para syang model ng isang brand.. Hindi!! Mas gwapo pa sya sa mga model.

"Good morning Baby" nakangiting bati nya sa akin.

Napatulala ako ng ilang saglit.

"S-Senyorito Icaroz, bakit ho kayo nandito? Ang aga po" nauutal kong tanong, isang dang porsyento ng kakapalan ng muka para itanong ko yan.

Akinston Series Generation 1: Corrupted Her Innocence (On-Going) Where stories live. Discover now