CHAPTER 4

13 2 0
                                    


Leanna

Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at naglakad na paalis. Naninikip pa rin ang aking dibdib habang naglalakad ako sa hallway ng building namin.

Nararamdaman ko ang tinginan ng iba pero patuloy lang ako sa paglalakad, patungo sa hindi ko alam kung saan.

Ganito ba kasakit magmahal? Ganito ba talaga?

I can feel my heart crying in pain.

Gusto ko na mawala ang sakit na nararamdaman ko.

Ito ba ang hinihintay kong pagkadapa ko? Gusto kong itayo ang sarili ko pero hindi ko magawa.

Hindi ko pa magawa.

Hindi na ako kumain at nagdecide na lang na bumalik sa classroom. Nakatulala lang ako, kung kanina ay sakit ang nararamdaman ko ngayon naman ay wala. I feel so empty.

Ayaw ko namang pabayaan ang pag-aaral ko dahil lang sa nangyari kaya kahit nahihirapan pa ako at nasasaktan ay hindi pa rin ako umuwi. I continued my day like nothing happened.

But I'm crying inside.

Pagkatapos ng huling klase namin ay dumaretso ako sa bar. Hindi na muna ako umuwi dahil hindi ko pa kayang harapin ang mga kaibigan ko while I'm in this state.

Kanina pa rin nila ako tinetext at tinatawagan pero hindi ko sila sinasagot.

Sorry, guys. I just really want to be alone right now.

Nakakarami na ako ng alak pero hindi pa rin ako masyadong nalalasing. Medyo high ang tolerance ko sa alcohol kaya siguro ganoon. Gusto ko na lang mamanhid at makalimutan 'yung sakit kaya naisipan kong uminom.

I can feel the alcohol burning my throat everytime I drink. And it somehow felt nice.

"Kuya! Isa pa nga!" sigaw ko sa bartender na napalingon naman sa akin.

"Madam, pang-ilang mo nang baso 'to. Baka kung ano ang mangyari sayo. Baka mababa ang tolerance mo ah." sabi sa akin ng bartender habang nagsasalin ng Bacardi sa baso.

Inirapan ko na lang 'yung bartender at ininom 'yung alak ng straight.

"Kuya, pa-order na nga lang ng isang bote." binigyan naman ako ng isa pang bote ng Bacardi at doon na ako uminom.

Paunti-unti na akong nalalasing pero patuloy pa rin ako sa pag-inom. Hindi ako 'yung tipong umiiyak kapag lasing, hindi rin ako iskandalosa. Medyo lang.

More than half na ang naiinom ko and I can feel my head spinning nang maramdaman kong may tumabi sa akin.

Wala akong pakialam sakanya kaya hindi ko na siya nilingon pero bigla naman niyang inagaw ang boteng hawak ko kaya tinignan ko siya ng masama.

"Ano ba?! Akin na nga 'yan! Umorder ka ng sayo, wag kang nang-aagaw!" malasing-lasing kong sigaw at akmang aagawin na ang bote pero iniwas niya ito at tinaas kaya hindi ko maabot.

Bukod sa nanlalambot ako at medyo nahihilo dahil sa kalasingan ay mas matangkad siya sa akin kaya hindi ko talaga abot.

Tinignan ko ulit ng masama 'tong lalaking may hawak-hawak ng bote. Familiar siya sa akin pero wala akong panahon alalahanin kung sino ba 'tong damuhong ito.

"Akin na sabi eh!" sinusubukan kong agawin 'yung alak sakanya pero ayaw niya talagang ibigay kaya tinulak ko na lang siya at humarap sa bartender para bumili ng bagong bote ng Bacardi.

Binigyan ako ulit ng bartender kaya ito na lang ang iniinom ko pero inagaw na naman nitong si damuho.

"Ano bang problema mo?!" hindi niya ako sinagot kaya nagsalita ako ulit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Fragile's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon