CHAPTER 1

37 2 3
                                    


Leanna

"Lea, bilisan mo baka ma-late na naman tayo. Lagot na naman kaming dalawa ni Allie kay Prof. Santiago. At tsaka baka bigyan ka na naman ng madaming gawain nung terror na prof niyo sa Taxation dahil late ka." reklamo ni Stephanie sakin habang inaayos ko mga gamit ko.

"Teka, patapos na ako," sabi ko sakanya,

"Gaga ka, anong oras ka ba kasi natulog kagabi?" tanong sakin ni Allie,

"1 o'clock na, may tinapos pa kasi ako eh, ang dami ulit pinapagawa samin. Tinapos ko na lahat para wala na akong poproblemahin," sagot ko sakanya at isinukbit na ang bag ko sa mga balikat ko. Lumabas na kaming tatlo ng condo at ini-lock na ni Allie ang pinto.

"Mag-shift ka na kaya? 'Di ba ever since naman gusto ni tito na mag-shift ka na ng course," sabi ni Steph habang naglalakad kami papuntang elevator,

"Ayoko, Accountancy talaga ang gusto ko. Nasabi ko na naman 'yon kay Dad eh, kahit anong pilit niya hindi ako mag a-abogado." sabi ko naman. Ayoko naman talaga kasi mag-law, I'm not for that kind of things. Tsaka gusto niya lang naman ako mag law because may law firm kami at gusto niya ako ang mamahala sa law firm kapag nag-retire na siya.

I'm an only child kasi, ako lang ang pinag-aaral at pinag-tutuonan ng pansin ng parents ko, at to be honest ang stressful rin. Sa akin lahat ng pressure and lalo na 'yung mga high expectations nila sa akin, nakakapagod na.

Lagi na lang nila dinidiktahan ang buhay ko, kaya rin nag decide na lang ako mag-condo at humiwalay kasi nasasakal na ako roon sa bahay.

Nung una ayaw pumayag ni Dad dahil hindi niya raw ako mababantayan at baka kung ano-ano daw ang gawin ko at hindi ako mag-focus sa studies ko, buti na lang at napilit ni Mom na payagan ako mag-condo pero syempre Dad being Dad dapat daw ay may kasama ako and since nag co-condo naman sina Allie at Steph ever since first year college kami, sakanila na ako sumama kasi may space pa at malaki-laki rin ang condo nila.

Magkakasama na rin kasi sa isang condo 'yung tatlo pa naming mga kaibigan. Actually, ako na lang ang hindi pa humiwalay sa bahay ng parents namin kasi ngayong third year college lang ako pinayagan umalis ng bahay at sa condo tumira.

Kahit matagal ko ng sinasabi kay Dad na gusto ko maging independent kasi hindi na ako bata ayaw pa rin niya nung una kahit okay lang naman kay Mom.

"Hayaan mo na siya, pumayag na naman si tito eh." saad ni Allie.

Tumango na lang ako at hinintay naming tatlo 'yung elevator bago kami sumakay papuntang underground parking lot nitong condo dahil doon nakaparada ang kotse ni Steph na gagamitin namin papuntang university.

Sa university na mismo kami nagkikita-kita magkakaibigan kasi sa ibang condo building naka-tira sina Kelly, Aiz, at Nadia.

Pagbaba ng elevator sa underground parking lot, lumabas na kami at dumaretso sa kotse ni Steph at sumakay doon.

Kung ano-ano lang ang pinag-usapan namin on the way sa university and as usual maingay kami sa sasakyan.

Pagkadating namin ay nakita na namin 'yung tatlo pa naming kaibigan na hinihintay kami.

"Ano na? Ang tagal niyo ah," sabi ni Aiz sa amin at nag pout.

"Sorry na, eh kasi late na kasi ako naka-tulog kagabi may ginawa pa kasi ako." paliwanag ko naman sakanya.

Pumasok na kami sa university at kanya-kanya nang punta sa mga building namin kasi iba-iba naman kami ng course.

Allie at Stephanie are taking law. Sina Kelly at Aiz naman ay medicine. Si Nadia naman ay architecture. And me I'm taking accountancy.

A Fragile's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon