I
Saya na di matatawaran.
Mga ala-alang di maiwan.
Kahapong sa atin ay nagdaan.
Nakatatak sa mga peklat ng sugat na iniwan.II
Mga luha at sakit,
Sa mga bukas ay bitbit.
Mga sakit at hinagpis,
Tila sa ati'y itinadhana at binigkis.III
Sa mga sakripisyong ating nagawa,
Kasalan bang maging masaya?
Sa mga kalungkutang ating nadama,
Masama bang piliin ang buhay na kasama ka?IV
Siguro nga di ito ang ating panahon.
Nasa tamang tao sa maling pagkakataon.
Sa mga tamang oras ang ating magiging tugon.
Ikaw at ako naghulat sa puhon.
YOU ARE READING
My Own Peace of Mind
PoetryThis is not a story but a compilation of my own poetry creations 💕💕 This also serves as my breather when I fell like I can't go on in life. Hope you enjoy reading them and may my emotions be felt by your hearts..