ISa mundong husga ang nakikita sa bawat daan,
Ikaw ang naging lakas at kasagutan.
Sa bawat pagdududa at pighating naramdaman,
Ikaw ang naging pag-asa at tahanan.
II
Sa aking paglalakbay sa madilim na landas,
Ikaw ang naging liwanag sa bawat rutang binagtas.
Kumanan man o kumaliwa, tumimog man o humilaga
Ikaw ang pupuntahan at patutunguhan aking hiraya.
III
May ilang beses na sa sarili ikaw ay nagduda.
Nasaktan, umiyak, at nais sumuko na.
Mahal, nais kong malaman mo na tulad ng hangin ay laging nandito lang ako.
Nais maging pahinga at kanlungan mo.
IV
At sa bawat pagaspas ng ating mga pakpak,
Dala natin ang lahat ng sakit at pagsusumikap.
At sa bawat rurok ng ating tagumpay.
Lahat ng pagbagsak at pagaalinlangan ay ating akay.
V
Kasama ang isa't isa sa bawat paghakbang,
Sa lahat ng paghihirap at mga hadlang,
Kamay mo'y hindi bibitawan at puso mo'y pilit hahawakan.
Kahit buong mundo pa ang ating maging kalaban.
VI
Sa bawat segundong tumatakbo at lumilipas,
Nangangarap na ikaw ang kapiling sa lahat ng oras.
Sapagkat ikaw, HIRAYA, ang aking PARALUMAN.
Kahapon, ngayon, bukas, at hanggang sa walang hanggan.
YOU ARE READING
My Own Peace of Mind
PoetryThis is not a story but a compilation of my own poetry creations 💕💕 This also serves as my breather when I fell like I can't go on in life. Hope you enjoy reading them and may my emotions be felt by your hearts..