________

3.2K 45 2
                                    

Nakikita ko na naman siya, kinikilabutan na naman ako.

Malayo siya sa kinaroroonan ko pero kita ko ang itim niyang jacket, ang mukha niya ay natatabunan ng hood.


Nagmadali ako sa paglakad. Alam kong sinusundan niya ako.


OO, may stalker ako. Nagsimula ito ng ako ay tumuntong ng kolehiyo, 3rd year college na ako, pero andiyan pa rin siya. Hindi ako nilulubayan.


Narinig ko ang pagtakbo niya palapit sa akin.


Bigla akong kinabahan at napalingon . . . .


Pero laking gulat ko nang wala akong makitang nakasunod sa akin.


Hahakbang na sana ako nang mabunggo ko ang isang katawan.


Nahintakutan ako ng makita ko ang stalker ko sa aking harapan.


unti-unting tumulo ang luha ko dahil sa kaba.


hinaplos niya ang pisngi ko.


hindi ko pa rin nakikita ang mukha niya.


"Akin ka lang, walang makaka-agaw sayo sa akin, papatayin ko ang sinuman na magtangkang ilayo ka sa piling ko."


may inihagis siya sa paanan ko.

unti-unti akong napayuko para tingnan ito.


malakas akong napasigaw sa nakita ko.


isang putol na kamay! at sa daliri nito ay may sing-sing!


kilala ko ang sing-sing.


sing-sing yun ni Jeremy na Boyfriend ko!


My Boyfriend, My RapistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon