13

1.2K 27 2
                                    

A/N: sorry for the long wait busy sa college, eh. peace :) Announcement: Pagkatapos ng finals ko ay alternate na akong mag u'UD.

Enjoy Reading:

SABRINA

Bumukas ang pintuan ng kwarto namin at tumambad sa akin ang mukha ni Blake. Pumasok siya sa loob.

Agad akong tumayo at lumapit sa kanya.

"M-maliligo ka na ba?" I asked.

Tumango ito.

"Ihahanda ko na ang damit mo." I said.

Bakas sa mukha niya ang pag-tataka ngunit agad din itong tumango at pumasok sa banyo. Pumunta naman ako sa walk-in closet namin at inihanda ang isusuot niya. Isang itim na suit at purple na kurbata ang pinili ko. Nanginginig pa ang kamay ko habang kumukuha ng boxer niya.

Pag katapos kung ihanda ang mga kailangan niya ay napaupo ako sa kama.

Now what?

Dun na ba natatapos ang pagsisilbi ng isang may-bahay sa mister nito? Ano pa ba ang kailangan kung gawin? Ano ba Ang ginagawa ng mga babae tuwing umaga para pag silbihan ang asawa na papasok sa trabaho?

BREAKFAST! It cross my mind like a wind. Tama! Breakfast. I need to prepare him a decent breakfast. Noon na boyfriend ko palang siya at kapag maaga niya akong sinusundo sa bahay ay pinag hahanda ko siya ng umagahan, alam ko kasing hindi siya nakakakain ng matino sa office sa dami ng trabaho. Pero ngayong 'mag-asawa' na kame ay hindi ko pa nagagawa na ipagluto siya ng umagahan.

Agad akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina.

"Ma'am, mag hahanda na po ba ako ng agahan?" tanong sa akin ng katulong

Bahagya akong ngimiti, "Hindi na, ako na ang mag luluto. Tumulong ka na lang sa ibang gawain."

Agad itong tumalima at umalis ng kusina.

Una kung ginawa ay nag handa ng kape sa coffee maker. Pagkatapos ay nag kalkal sa ref ng kung anong pwedeng lutuin.

Pancake at Sandwich ang napah desisyunan kong gawin. Alam kung hindi kumakain ng rice si Blake tuwing umaga.

Una kong ginawa ay ang pancake, ng maluto yun ay gumawa ako ng chocolate syrup at sandwich dressing.

Nilalagay ko na sa mesa ang mga pagkain ng bumaba si Blake. Nakaligo na ito at sout na ang damit na inihanda ko.

Biglang lumakas ang kalabog ng puso ko. He is so intimidating, bagay na bagay sa kanya ang sout niya, he looks like a royalty. A king who owns the world.

Nakita kong natigilan siya ng makita ako.

"Kumain ka muna bago pumasok." sabi ko.

Dahan-dahan siyang lumapit sa mesa na parang tinatantsa kung totoo ba itong nangyayare o hindi. Matagal lang siyang nakatitig sa mesa na para bang hinihintay niya na lumutang iyon.

Tumikhim ako, "Kumain ka na, Blake, baka ma-late ka."

Bigla siyang tumingin sa akin. Nagtagpo ang aming mga mata, para bang binabasa niya kung ano ang iniisip ko.

"Yeah. I'm gonna eat now."

Nagbawi siya ng tingin at umupo sa mesa. Kinuha niya ang kape na naroon at humigop.

Nagtatalo ang isip ko. Ipaglalagay ko ba siya ng pagkain sa plato o hindi? Sabi ng utak ko ay hindi, malaki na ito at kaya na nitong mag lagay ng sariling pagkain sa plato. Sabi ng puso ko ay OO.

At sa huli ay nanaig ang puso ko.

Habang umiinom siya ng kape ay nilagyan ko ng pancake ang plato niya pagkatapos ay nilagyan ng syrup. Kukuha pa sana ako ng sandwich para ilagay din sa plato niya nang pigilan niya ako.

"That's enough, wife. Take a seat and eat with me. You look tired."

Tumango ako at umupo na rin.

Kukuha na sana ako ng pancake ng biglang pumasok si Maxene sa kusina.

"Hey, good morning!" masigla nitong bati.

Hinagod ko ng tingin ang sout niya. Isang pencil cut skirt na sobrang ikli, yung tipong isang maling galaw ay makikita na anh pany nito at isang red tube na pinatungan ng business blazer. Ganito na ba ngayon ang business attire? masyadong maharot!

Natural! Haharutin niya kaya ang asawa mo!

Pinilig ko ang ulo ko para mawala ang iniisip ko.

"Blake, lets go na. We're gonna be late sa meeting." maarte nitong sabi.

Hindi pa nagagalaw ni Blake ang pagkain na nilagay ko sa plato niya. Akala ko kakain muna siya, na hindi siya mag papadala sa meeting na sinasabi ni Maxene pero akala ko lang pala.

Tumayo ito.

"I'm sorry, wife, I forgot, I'm on a rush because we have a meeting with the investors."

lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

Wala na akong magawa kundi ang ihatid sila ng tanaw palabas ng bahay.

Napatingin ako sa pagkain sa mesa. SAYANG!

My Boyfriend, My RapistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon