11

1.5K 36 6
                                    

SABRINA

"ASAWA nang taong kinakapitan mo."

Kinalas ni Blake ang ang pagkakakapit nang nang babae sa braso niya.

Lumapit siya sa akin.

"Honey, this is Maxine, my client from Taiwan. She'll be staying with us while she is here in the Philippines. She's half Filipino and Taiwanesse."

Tipid akong ngumiti sa babae.

So, magsasama pala kame pansamantala sa iisang bubong?

"Let's eat." sabi ni Blake.

Agad akong umupo sa upuan ko. Pero biglang umakyat sa ulo ko ang dugo ko nang ipinag hila ni Blake si Maxine ng upuan.

Through out the dinner ay sila lang ang nag-uusap tungkol sa business.

Aaminin ko, hindi ko gusto si Maxine. Pero wala akong magagawa, kliyente siya ng asawa ko.

Asawa ko? Fuck! Tanggap ko na ba na asawa ko si Blake? No! No!

Nagseselos ba ako kay Maxene kung kaya't gusto ko siyang ilublob sa mantika na kumukulo? No! No!

Hindi pwede dahil kung nagseselos ako sa kanya ay ibig sabihin, mahal ko pa si Blake! Hindi ko na mahal si Blake! Hindi nga ba?

"So, Sabrina, is it okay with you that I will be staying in Blake's house?"

Napaangat ang mukha ko sa sinabe niya! Tinutuya niya ako, halata sa tono ng pananalita niya para bang sinasabi niya na wala naman akong magagawa kung dito siya titira.

At bakit "Blake's House" ang tinawag niya sa bahay namin? Oo, si Blake ang bumili nito pero ASAWA niya ako kaya pag-aari ko na din ito!

Ngumiti ako. A bitch smile.

"Of course, you can stay in OUR HOUSE." sabi ko.
___

Pagkatapos ng Dinner ay agad akong umakyat sa kwarto. Nag bihis ako at nahiga.

Narinig kong bumukas ang pintuan. Si Blake pumasok.

Agad akong nag kunyaring natutulog.

Pumasok siya sa banyo. Narinig ko ang lagaslas ng tubig. Naliligo siya. Maya-maya ay lumabas na siya.

Akala ko tatabi na siya sa akin gaya ng kadalasan niyang ginagawa. Pero nag kamali ako dahil lumabas siya ng kwarto!
__

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatagos sa kurtina. Nilingon ko ang tabi ko. Walang bakas na may humiga. Ibig-sabihin hindi dito sa kwarto natulog si Blake, ngunit saan? Di kaya sa kwarto ni Maxene?

Bumangon ako at nag hilamos pagkatapos ay bumaba sa kusina.

Naabutan ko si Manang na nag lilinis ng kusina.

"Manag si Blake po?"

"Wala ba sa kwarto niyo? Hindi pa kase siya bumababa."

Nasa taas pa si Blake? Pero asan siya? Bakit wala naman siya sa kwarto?

Agad akong umakyat upang hanapin si Blake.

Inisa-isa ko ang mga kwarto, pero wala siya dun. Baka nasa kwarto ni Maxene?

Halos takbuhin ko na ang papunta roon. Ewan ko ba pero bigla-bigla akong kinabahan. Nagseselos ba ako? Hindi! Mahal ko pa ba si Blake matapos ang ginawa niya sa akin? Matapos ang ginawa niya kay Jana? Hindi!

Pero kung wala na akong nararamdaman para sa kanya, bakit ganito nalang kasakit ang dibdib ko? Bakit nagseselos ata ako sa isiping mag damag na magkasama si Blake at Maxene?

Dahan-dahan kung binuksan ang pinto ng kwarto ni Maxene.

Para akong binunutan ng tinik ng makita kong wala dito si Blake. .

Pero wala rin dito si Maxene!

Posible bang magkasama sila? Nagtatago habang gumagawa ng kababalaghan?

Asan kaya sila?

Pabalik na ako sa kwarto namin nang mapadaan ako sa library. Bumukas iyon at iniluwa si Maxene.

Na nakasout ng manipis at maikling nightgown!

Ngumiti ito ng nakakatuya ng makita ang gulat kung mukha.

"Si Blake ba ang hinahanap mo? Sorry tulog pa, pagod kase."

My Boyfriend, My RapistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon