“Samantha dalian mo na dyan at gagabihin tayo” sigaw sa akin ni Daddy.
“Andyan na po”
Alam nyo bang lilipat na kami ng bahay. Ang sakit lang kasi dito na ako nasanay at saka andito ung bestfriend ko! Paglabas ko nakaabang na sa akin sina Mommy at Daddy
“Tera na” sabi sakin ni mommy na nakangiti.
“ahmm, pwede po bang pumunta muna ako kina Elay? Magpapaalam lang po ako kanina kasi ng nagpunta ako walang tao sa kanila baka andun na sila ngayon” mangiyak ngiyak na sabi ko sa magulang ko.
“pero anak, hapon na, baka gabihin tayo itxt mo nalang sya” sabi ni daddy. Bigla nlang tumulo ung luha ko.
Kahit masakit, tumango nalang ako at sumakay sa kotse L( itetext ko nalang sya,
TO: BULLYSISTER
BULLYSIS, wag kang magagalit. Pero lilipat na kami ng bahay, biglaan e L mamimiss kitang bruha ka! Dadalaw ako dyan sa inyo promise.
Sending..
Sent.
Hay, nakakalungkot naman. Mamimiss ko ung bestfriend kong yun! Gsto nyong malaman kung papaano kami naging magbestfriend? Kasi ganto yan..
*FLASHBACK*
5 YEARS OLD pa lang ako at sobrang boring na boring na ako dito. Pano banamn si Mommy nasa meeting nila, tapos si Daddy nakaharap sa laptop nya may tinatapos na trabaho nya wala tuloy akong kalaro L nagpunta ako sa kwarto ko at nakita ko ung damit ko na Cinderella na ginamit ko sa party ng pinsan ko. Agad kong sinuot at lumabas ako
“Daddy! Daddy! Maganda nab a ako?” tanong ko sa daddy ko at sobrang nagpapacute ako sakanya
“oo nman ang ganda ng baby ko, mana kaya yan sa daddy nya” sabi ni daddy at kiniss ako sa noo.
Habang busy sya sa kakatype, lumabas ako ng bahay namin. Kumatok ako ng mga pinto at ipinakita ko ang suot ko J
Unang pinto: walang nagbubukas ng pinto :/
Pangalwang pinto: “anong ginagawa mo ditto?” mataray na tanong sakin nung babae
“ahm. Wla lang” sabi ko habang yumuko nakakatakot kasi sya e parang mangangain ng tao
Pangatlong pinto: “tapos na November ah? Bat nkapang trick or treat ka pa? sorry wala akong candy e!” sabi ng lalaki at tinawanan ako. Mangiyak ngiyak na ako kasi ang bad bad ni kuya.
PSSSST PSSSSSTTT!
May naririnig ako na nasitsit. Hala may multo ata dito.
“Mommy! Daddy!” sigaw ko habang natakbo ng biglang
“Hoy bata!” may sumigaw sakin at napalingon ako..
Napangiti ako sa nakita ko kasi may isang bata na nakasilip sa pinto at nakangiti sakin agad ko naman syang nilapitan.
“Hi ako si Sam” sabi ko sakanya habang winawave yung kamay nya
“Elay anong gingawa mo dyan?” may sumigaw sa loob siguro si Mommy nya yun
“ah mommy kasi---“ hindi pa tpos ung sasabihin nya ng biglang lumabas ang mommy nya
“ang cute mo naman! *pisil sa pisngi ko* anong pangalan mo, ako nga pala si Tita Jelly at eto naman ang anak ko si Elay” sabi nya sakin habang nakangiti.
Tapos yun, umpisa ng araw nay un. Araw araw na kaming naglalaro ni Elay at naging magbestfriend na kami. Lagi kaming nag ssleepover sa bahay ng isa’t-isa at sabay pa kami lagging kumakain at napasok. Hanggang sa dumating tong araw na to. 11 years halos kami nagkasama ni Elay tapos biglang ganito lilipat kami ng bahay ng hindi manlang ako nakapagpaalam sa kanya ng personal.
*end of flashback*
Tinignan ko ang cellphone ko kasi baka nagreply na si Elay pero wala pa din. Sobrang nalulungkot ako at naiyak na din ako ng dahil sa lungkot. Pagtingin ko sa parents ko nakatingin sila pareho sa akin at ngumingiti sila. Huhuhu L alam na nga nila na sobrang lungkot ko, tapos titignan pa nila ako ng ganun at ngingiti sila L miss ko na ang bestfriend ko!!!!
Sinaksak ko sa tenga ko ang headset at nakinig nalang ako sa music..
“Sam, anak. Gsing na andito na tayo” gising sakin ni Mommy habang kinakalog ang balikat ko. Hindi ko namalayan, nakatulog pala ako. Sa sobrang pagod na din siguro.
Agad akong pumasok sa loob ng bahay at pumunta sa kwarto ko at nahiga. Yes. May gamit na ang bahay namin, kasi pagkatapos nilang ipagawa to bumili na din sila ng mga gamit para sa bahay na to. Triny kong tawagan si Elay pero babae ang sumagot sabi “The number you have dialed is either unattended or out of coverage area please try your call later” AUGH L galit ba sya sakin? MALAMANG GALIT SYA SAYO KASI BASTA MO NLANG SYA INIWAN NG GANON.
Bumaba ako kasi may naamoy akong favorite kong noodles ang ramen =D nagutom na din kasi ako e. habang kumakain ako sumabay sa akin si Mommy, si Daddy kasi may kinakausap lang daw sa labas.
“Mommy san ba tayo nakatira ngayon?” sabi ko sa kanya
“St. Martin to anak” sabi nya at tumango naman ako.
Pagkatapos kong kumain. Lumabas ako para tignan kung sino ang kausap ni daddy. Sinilip ko ;ang sila sa bintana pero hindi ko Makita kung sino ung kausap ni daddy kasi nakatalikod sya sa akin. Pilit kong sinisilip kasi sobrang familiar nung lalaking kausap ni daddy alam kong kilala ko sya pero dahil nga nakatalikod sya di ko Makita ung itsura nya. Nakita kong lumingon si daddy at agad naman akong umalis sa pagkakasilip ko. Nahiya kasi ako e. hahaha.
“SAAAAMMMMMMMMAAAANTHHHAAAA!” sigaw ni Daddy, hala. Nakita nya ata ako L at mukang galit sya kasi tuwing galit lang naman sya saka nya ako tinatawag na Samantha kasi Sam ang tawag nila sakin. Nagdadalawang isip ako na buksan yung pinto. Pero mas lalo lang syang magagalit kung di ako lalabas.
Nanginginig ako habang binubuksan ko yung pinto. Hinga Sam hinga. Kaya mo yan, sanay ka na dba sa sigaw at pagalit ng daddy mo ok lang yan. Sabi ko nga kayak o to.
One, two, three… BUKAS!
“PO?” mahina na sabi k okay daddy.
Agad nmang humarap ung kausap ni Daddy at sobrang nagulat ako sa nakita ko.. tama sya nga yun, sya si….
“Tito Bob!!!” sigaw ko at nagtatatalon napatawa naman sya
“Asan si Elay? Asan sya?” tanong ko at napakamot sila ng ulo kasi para akong kitikiti sa sobrang gaslaw ko.
Agad akong lumabas ng gate para tignan kung nsan si Elay. Pero wala akong Elay na nakita =( ang nakita ko lang ang kotse nila na nakaparada sa harap ng bahay na katabi namin. Agad ako tumingin kina Daddy at kina Tito na dyan-kayo-nakatira-look at agad naman silang tumango.
Eto ako karipas ng takbo papunta sa bahay na yon. Doorbell ako ng doorbell hindi ko tinitigilan kakapindot hanggang walang lumalabas.
“Ano ba------“
“BULLYSISTERRRR!” Sigaw namin pareho at sabay hug sa isat isa.
Nagkwentuhan kami. At nalaman namin na our parents planned it.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
THE WORD LOVE
Teen Fictionwhat if, mainlove ka, mainlove ka sa taong nagpakita ng totoong pagmamamahal, ng pag aalaga sayo? yung pakiramdam na naniwala ka at hinayaan mo ang sarili mong mafall sakanya. tapos malalaman mo na wala palang katotohanan lahat kasi nagumpisa lang a...