Sunglasses (One shot)

231 25 11
                                    

 “Hoy Janielle ano na naman ba ang nangyayari sayo??”  tanong sa akin ng magaling kong bestfriend na si Sann.

“Alam mo kalimutan mo nayang lalaking yan, ang tagal na rin non.”  Sabi niya habang nakaupo sa tabi ko at nagbabasa ng libro.

“Sann,gusto ko na siyang kalimutan pero paano?? Hindi siya mawala wala sa isip ko!.”  Sabi ko habang parang tutulo na yung mga luha ko.

“Alam mo, matagal narin yun kaya kinalimutan ka na non. Mas mabuting mag basa ka nalang ng mga libro para malibang ka.”  Sabay bigay niya sa akin ng tatlong libro.

“Malibang?? Eh mas lalo pa akong nabobored pag nagbabasa eh.”

“Oh sige di wag.”  Kinuha naman niya yung libro at nilagay sa harapan niya,

Siguro nga tama siya, 2 months na rin yun nong nawala siya, pero parati nalang akong naghihintay na parang baliw. Umaasa na babalik siya.

Kailangan ko na siyang kalimutan pero hindi ko alam kung paano.

Ang totoo kababata ko si Michael, lagi kaming magkasama araw-araw, hanggang sa lumaki na kami at sa araw-araw na yon mas lalong nadadagdagan ang pagkakagusto ko sa kanya.

Hindi ko alam kung gusto rin ba niya ako o hindi. Pero pagkasama ko siya nagiging Masaya ako kahit na ang dami kong problema.

Hanggang sa dumating ang araw na….

FLASHBACK

“Janielle I’m inlove with someone.”  Sabi niya habang nakatingin sa dagat.

He’s inlove with someone? Nang marinig ko ang mga salitang yung parang ang sakit sakit.

 “Talaga??!! Sino?”  tanong ko na para bang wala lang, ayokong ipahalata sa kanya na nasasaktan ako.

Hindi parin siya sumasagot.

“Sino?”  tanong ko ulit na parang na eexcite.

“Ang babaeng nagtatanong sa akin ngayon kung sino.”  Sabi niya at bigla naman siyang humarap sa akin at nag smile.

Nagulat ako sa mga salitang yun, akala ko joke lang niya. Kaya tumawa na ako.

“Gago ka talaga ang galing moring mag joke no!!.”  sabi ko sabay sapak sa kanya.

Tumingin lang siya sa akin at hindi parin naaalis ang mga smile niya.

“Hindi ako nag jojoke totoo, Janielle mahal kita noon pa man.”  Para akong gin freezer. Hindi ako makagalaw at makapagalita sa mga narinig ko.

Niyakap niya ako at ako walang nagawa kundi gantihan ang yakap niya.

Alam niyo na matagal ko ng pinapangarap na mangyari ito no.

Pagkatapos ng nangyari, umuwi na ako at nahiga sa kama.

“YES!! MAHAL NIYA AKO!!” sigaw ko habang pagulong gulong sa kama. Ihhhh.. Kinikilig ako!!

“Hoy Janielle anong nagyayari sa iyo??”  Nagulat nalang ako ng marinig ko ang boses ng mama ko. Tinignan ko siya at nakatayo siya sa tabi ng pintuan.

“Ma!! Nakakagulat naman kayo.”  Sabi ko at lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

“Janielle kinausap ako ni Michael, mahal ka raw niya. Nasabi naba niya sa iyo.”  Sabi ng mama ko na para bang seryosong seryoso.

Teka?? Sinabi niya yun kay mama??  Ihhh mahihimatay na talaga ako dahil sa kilig.

“Oo mama. At sasabihin ko na nga ang sagot ko next week. Umalis kasi sila eh, next week pa balik nila.” 

Sunglasses (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon