Chapter One

4 0 0
                                    


NAGMAMADALI si Yuuki ng araw na 'yun dahil may morning meeting ang Student council committee para sa gaganaping school festival next month. Matagal kasi siya natulog kagabi dahil sa kakabasa ng manga. Isa siyang otaku at cosplayer sa kanyang pinapasukang eskwelahan.

"Cupid! good morning! hinay hinay lang sa pagtakbo."
Lumingon si Yuuki sa biglang sumigaw at nakita niya ang kanyang schoolmate na si Makoto na kumakaway. Kinawayan niya din ito bilang pagbati.

Tumingin si Yuuki sa kanyang relo at nakitang limang minuto nalang para mgsimula na ang kanilang meeting. Lagot sya pa naman ang secretary. Binilisan niya ang pagtakbo at nakarating nadin sa pangatlong palapag ng kanilang engineering building.

"You're late Ms. Quizon." strikto at walang kangiti ngiting sabi ni Ryuu, ang kanilang masungit at suplado pero sobrang gwapo at heartthrob ng kanilang school. Kahit cold ito ay maraming ngkakagusto parin dito.

"I'm not Pres. As per my clock's time I arrived on time." nakakunot noo namang sagot ni Yuuki. Kahit pawisan at naghahabol mang huminga ay sinagot niya pa rin ito. Sa lahat ng lalaki sa campus, si Ryuu lang ang hindi niya kasundo.

Tinaasan lang siya nito ng kilay.
"Well, in my clock you are 1 minute and 25 seconds late." sagot naman nito na siyang nakapagtaas din ng kanyang kilay. Aba't sumusubra na to ah! Kasalanan ko bang advance relo niya. Pati seconds alam talaga. Walang patawad. I bet walang girlfriend tong si Ryuu sa sobrang sama ng ugali.

Sasagutin ko sana siya ng maramdaman kong may humawak sa balikat ko.
"Itigil niyo na yan Ryuu, Yuuki." sabi ng kakapasok pa lang pa si Kaito, ang vice-president ng SCC at umupo sa tabi ni Ryuu.

"nu kaba Kaito, eh araw araw nagbabangayan yang dalawa eh. Parang aso at pusa, buwan at araw, tubig at apoy. Kahit sang bagay nag aaway yan." saad ng nakangusong si Sakura, ang treasurer nila. Ba't kaya nakanguso ang isang to? Siguro nag away na naman sila ng boyfriend niyang si Kouno.

"Di natin alam baka sila ang magkatuluyan. Palabas lang ang away away pero mahal pala nila ang isa't isa. After all, opposites do attract, right babe?" nanunuksong sabi ni Kouno at nginisihan pa sila bago tumingin sa nakanguso parin na si Sakura.

Inirapan lang ito ng huli pero parang wala lang dito ang ginawa ng nobya at tumawa pa sabay yakap kay Sakura. Niyakap naman ito ng nobya na nakangiti na. Jusmeyo marimar! ang weird talaga ng couple na 'to.

"Get a room you two." walang emosyon paring sabi ni Ryuu sa magkasintahan. Di kaya mgkastiff face (since matigas at lageng straight ang mukha) si Ryuu sa tigas ng mukha niya?

Tumawa lang si Kouno at namula naman si Sakura. Pasaway talaga tong si Kouno. Di man lang takot sa dragon.

"Magtapat ka na kasi kay Yuuki para di kana mainggit samin ng babe ko, Ryuu." nang aasar na saad ni Kouno kay Ryuu. Tiningnan ko ang reaksyon ni Ryuu pero hindi man lang nagbago. Cold parin. Panu kaya kung magtapat siya sakin? sasagutin ko ba kaya siya?

"wala akong gusto sa babaeng lampa lampa at walang sex appeal" sagot ni Ryuu sa sinabi ni Kouno at tiningnan pa siyang may pagkadisgusto. Ano raaaawww?Ako walang sex appeal? lampa? Ha! Hinding hindi kita sasagutin Ryuu Sakanushi! Grr!

"Asa ka ding sasagutin kita taong-dragon-na-walang-bulumbunan at atay! Never!"

Miss Matchmaker's MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon