Chapter Two

1 0 0
                                    

KANINA pa nababagot si Yuuki sa kakahintay kina Abegail at Rayle, ang kanyang dalawang bestfriend, sa kanilang tambayan. Ang usapan kasi nila ay magkikita sila after ng kanilang last subject. Eh kanina pa tapos ang klase nila. Nauna kasi siya sa dalawa kanina dahil dadaanan muna siya sa library para isauli ang librong hiniram niya nung nakaraang linggo.

"Sorry Yuuki natagalan kami." sabi ng kararating lang na si Rayle at kasunod si Abegail na mukhang dismayado.

"San ba kayo galing? malalate na tayo sa goukon at saka anong nangyari sa isang to?" magkasunod na tanong ni Yuuki habang nagtatakang tumingin kay Rayle. Ang lungkot kasi ng mukha ni Rayle at halatang galing sa iyak. Ngumiti ng pilit ang huli sa kanya at parang iiyak na naman ata.

"Letseng Bryan yon! walang modo! manloloko! anong tingin niya kay Rayle? Laruan na pwedeng pagpustahan? argh! ang sarap patayin! Kaya kami nalate ay dahil narinig lang namin ang mga kabulastugan na ginawa nya! Pinagpustahan lang pala ang bestfriend natin. Tsk! makikita niya bukas, sisirain ko kinabukasan niya!" nanggalaiti na saad ni Abegail at pinanggigilan ang hawak na folder para mailabas ang inis na nararamdaman. Naku po iba pa naman si Abe kung magalit.

Lumaking may strong sense of justice kasi ang huli dahil parehong police ang parents nito at court judge naman ang lolo. Ayaw na ayaw ni Abe na makitang may inaapi lalo na't kaibigan niya. Wala itong kinatatakutan lalo't alam nito na ito'y nasa tama.

"Abe hayaan mo na. Di naman kasi natin hawak ang isip ng tao at saka ayoko ng gulo." nag aalalang saad ni Rayle kay Abegail. Alam kasi nila kung ano ang kayang gawin ng kanilang kaibigan.

Lumapit si Yuuki kay Abe at tinapik siya sa balikat. Kailangang mapakalma namin siya bago pa huli ang lahat.

"Makakapaghiganti din tayo Abe. Sa ngayon, pumunta muna tayo sa goukon at tutulungan natin si Rayle na makalimutan ang Bryan na yon."

Nagpalipat lipat ng tingin si Abe sa kanilang dalawa at nakikita nito ang kanilang mukha na lubos ang pag alala. Bumuntong hininga ito ng malalim at kinuha ang kanyang mga gamit na nagkalat dahil sa galit nito sa nangyari. Lumabas si Abe sa kanilang tambayan.

"Let's go girls!" sigaw ng nakangiting si Abe habang nakalingon sa kanila.
Nagkatinginan silang dalawa ni Rayle at napangiti. Lumabas na rin sila at patakbong lumapit kay Abe. Ngayong gabi hahanapin niya ang Mr. Right ni Rayle.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miss Matchmaker's MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon