Kabanata 02

67 6 1
                                    

02

Ako ang unang nagising sa amin ni Lauren kaya naman pumunta na ako sa cr para maghilamos.

Paglabas ko ng cr ay nakita kong mahimbing pa ring natutulog si Lauren kaya naman hinayaan ko muna ito at bumaba na para mag breakfast.

"Where's Lauren?" mommy asked.

"She's still sleeping, mom." sagot ko.

"Okay, iiwan ko muna kayo rito ha? I have important meeting kasi eh, bye babe I love you." hinalikan muna ako ni mommy sa cheeks bago siya maglakad palabas.

Habang kumakain ako ay may narinig akong mga yabag pababa, she's awake. Tumayo muna ako para manguha ng plato at kubyertos at nang matapos ay nakita ko siyang nakatayo sa gilid ng lamesa habang nakapikit na kumakamot sa ulo niya.

"Good morning," I greeted.

"Good morning.." bati niya pabalik saka humikab.

"Come on, let's eat." lumapit ako sa pwesto niya at hinila siya paupo sa upuan niya.

"Nasaan si tita?" tanong niya habang sumasandok ng kakainin niya.

"May meeting pero nandito na 'yon mamaya, may promise kami sa 'yo, remember?" sumulyap ako saglit sa kaniya bago sumubo.

"By the way, may natira pang cookies sa ref, gusto mo?" tanong ko.

"Uhm, okay.." tumayo ulit ako para kuhanin ang natitirang cookies sa ref.

"Here you go," naupo na ako sa upuan ko pagkalapag ko ng Tupperware sa harapan namin.

"What if ikaw na lang mag isa ang mag turo sa akin gumawa ng cookies?" maya-mayang sambit niya.

"Hmm, pwede rin." sagot ko.

After naming kumain hinanda na namin lahat ng gagamitin para sa gagawing cookies.

"Dapat tama lang 'yung timpla para hindi masyadong matamis or walang lasa." ako na ang nagsusukat ng ingredients dahil hindi pa naman marunong si Lauren.

"Ayan! Perfect! Antay na lang tayo ng 12 to 15 minutes bago maluto 'yan." sabi ko saka ipinasok na sa oven 'yung mga gawa namin.

Nagkwentuhan lang muna kami at nang marinig naming tumunog na 'yung oven ay agad na akong kumuha ng pot holder para kuhanin 'yung nalutong cookies.

"It's tikiman time!" Sabi ko pagkatapos kong ilipat 'yung mga cookies sa ibang plato.

"Hmm... ang sarap!" Wika ni Lauren.

"I'm home!" Parehas kaming napatingin ni Lauren sa living room nang marinig namin ang boses ni mommy.

"Mom!" Sinalubong ko si mommy at niyakap siya. "May niluto kaming cookies, tara na po sa kitchen." Hinila ko si mommy papunta sa kitchen at agad siyang ipinaghila ng upuan at pinaupo na siya.

"Kayo gumawa nito?" Tanong ni mommy, tumango naman kami pareho ni Lauren.

"Wow, tikman ko nga." Pagkakuha niya ng cookie ay agad niya na itong tinikman.

"Hmm... mas masarap pa ito sa ginawa ko ah." Natawa naman kaming tatlo.

Sabay naming pinagsaluhan 'yung cookies na ginawa namin ni Lauren at pagdating ng hapon ay sinundo na si Lauren ng driver nila kaya naman mag-isa na naman ako sa kwarto ko.

Today is Sunday, maaga akong nagising dahil magsisimba kami. Nakagawian na namin ito at family bonding na rin since every Sunday ang free time ni dad.

I'm your Prologue but not your Epilogue Where stories live. Discover now