Chapter 2 - At First

403 14 8
                                    

ROWELLA


"Miss wala ka pa bang table? Baka gusto mong sa table na muna namin?" Lumipat ang tingin ko sa lalaking bigla na lang sumulpot sa harapan ko.


Hindi ko na tuloy matanaw si Cavier Vonn dahil nakaharang ang lalaki at masyado ring malaki ang katawan nito. "Sorry, m-may table na kasi ako," Napayuko ito na parang napahiya at umalis sa harapan ko.


Muling bumalik ang tingin ko kay Vonn na ngayon ay wala na sa akin ang tingin at busy sa pakikipag-usap sa kasama niya. Nag-aalangan nanaman ako kung gagawin ko ba talaga 'to, at isa pa wala akong alam kung paano mang-akit!


"Ano bang problema mo!? Sabing gusto ko siyang i-table 'e!" Halos tumigil ang lahat ng taong nasa loob dahil sa malakas na sigaw ng isang lalaki.



Lasing na ito dahil kitang-kita sa itsura niya, may hawak-hawak pa siyang baso na may lamang alak sa kabilang kamay niya habang isang lalaking waiter naman ang kausap niya.


"Pasensya na, pero mas una po siyang na reserve sa kabilang table-"


"Walang kwenta pala 'tong bar na to 'e! Sabing gusto ko siyang maka-table!" Putol nito sa waiter. Ginala ko ang tingin ko hanggang sa makita ko ang isang babae na parang takot na takot habang nakatingin doon sa lalaking sumisigaw.


Mukhang siya ang babaeng gustong i-table no'ng lalaki. Base rin sa suot niya parang nag ta-trabaho siya dito sa bar. Ang kaso nga lang may nauna ng nag pa-reserve sa kanya kaya hindi na siya pwedeng i-table nang iba.


"Pwede naman po kayong pumili nang iba Sir, hindi po-" Lahat kami napaatras nang bigla nitong ihagis ang dala niyang baso at sinuntok ang waiter.


"Matigas ka talaga ah! Nasaan ang Manager mo!? Ang may-ari nito!? Mga walang kwenta!" Akmang susuntokin niya ulit ang waiter ng may pumigil sa kamay niya.



Kaya mas lalo kaming natahimik, pero agad ring nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ang pumigil do'n sa lalaking lasing.



Si Vonn!



Bagamat walang emosyon sa mukha niya kaya hindi mo alam kung ano ang reaksyon niya sa nangyayari, galit ba? Inis? Hindi mo mababasa dahil blangko ito at diretso lang ang atensyon sa lalaking nasa harapan niya.



"Bitiwan mo ako! Huwag kang makikialam dito, tuturuan ko lang nang leksyon ang lalaking 'to!" Turo nito sa waiter. Hindi pa rin siya  binitawan ni Vonn sa halip ay hinila niya ito at sinenyasan ang waiter na lumayo sa kanila.



Ano bang ginagawa niya? Bakit pa siya nakikisali? Pwede namang tumawag ng guard o hindi kaya police. Baka ano pang gawin ng lalaki, lasing pa naman, paniguradong wala sa katinuan.



"Stop causing trouble, Sir." Mahina ngunit may pagbabanta sa boses ni Vonn. Naagaw nanaman ang pansin ko, wala rin akong malay na nakisiksik na pala ako sa iba para makapunta sa harap at mas makita ang pwesto nila.



"Bakit ka ba nangingialam!? Gusto mo talagang makisali ah!" Nagpakawala ito nang suntok pero mabilis na naiwasan ni Vonn ang suntok niya.



Hindi ko na rin alam ang gagawin ko at kung bakit ako umabot sa puntong ganito. Ang mga kaibigan kasi no'ng lalaking lasing ay parang naghahanap na rin ng away. 



"Ikaw! Tawagan mo may-ari ng bar na 'to! Gusto ko siyang maka-usap!" Walang tigil na sigaw ng lalaking lasing. Hindi sumagot ang isa pang waiter at yumuko na lang kaya mas lalo atang umusok ang ilong no'ng lalaki.


Seducing The Forbidden [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon