Chapter 3 - Cannot Be

70 2 1
                                    

ROWELLA

Matagal akong nakatitig sa kanya, nakahanda ako sa kung ano mang reaksyon ang ibibigay niya sa akin. Mahigpit rin ang hawak ko sa gilid ng dress na suot ko.

Ngunit dumaan ang ilang minuto ay tila wala itong narinig mula sa akin, walang nagbago sa reaksyon o emosyon sa mukha niya nakatingin pa rin siya sa akin habang mahinang iniikot ang wine glass na hawak niya.

"Hmm... I said you've got my attention," Pag-uulit ko kung sakaling hindi niya narinig.

"Okay." Tipid na sagot niya dahilan para mapatigil ako sa kinatatayuan ko.

Okay? Pwede ba 'yon? Hindi man lang siya magugulat? Wala siyang kahit anong 'shock' na reaksyon, o ibang sasabihin?

"'Yon lang?" Nagtatakang tanong ko.

"Why? It's not new to me... Hindi lang ikaw ang babaeng nagsabi n'yan sa akin, I'm not surprised anymore," Napakurap ako habang nanatiling nakatitig sa kanya.

"Then... should we-"

"I have a fiancé," putol niya sa dapat kong sasabihin. Nilagok niya pa ang laman ng wine glass niya bago ako tignan na parang ako na ata ang pinakawalang kwentang tao sa mundo.

"Vonn! Kanina pa kita hinahanap," Maingat akong napalingon nang marinig ang pamilyar na boses. Siya 'yong fiancé ni Vonn, halos mapayuko ako dahil ramdam na ramdam ko ang hiya na bumalot sa katawan ko sa mga oras na 'to.

Saglit kong naramdaman ang tingin ni Vonn sa akin. "Mayumi, I thought you're not feeling well?" Nang muli akong mag-angat ng tingin ay nakita kong hinalikan pa siya ng babae sa kanyang pisnge.

Mas dumoble ata ang hiya o sabihin na nating konsesnya! Na ko-konsensya ako dahil nag umpisa na akong sirain ang relasyon na meron silang dalawa. Kung pagmamasdan sila ngayon, masasabi kong ang healthy ng relationship nila.

Tapos sisirain ko lang... Kaya ko ba talaga ang trabahong 'to? Sa tingin ko hindi! Hindi ko kayang manira ng dalawang taong nag mamahalan, pero naalala ko rin si Lolo. Sa tuwing pasuko na ako bumabalik sa akin ang sitwasyon niya ngayon.

Kailangan ko ng pera para maipagamot siya. Kapalit ng perang kailangan ko ang pag hadlang sa dalawang tao na ngayon ay masayang nag-uusap.

Marahan kong binitawan ang gilid ng dress ko dahil muntik ko na ata itong mapunit dahil sa higpit nang pagkakahawak ko.

"Hi? Can I sit here?" Napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko, dahan-dahan akong tumango at sinundan ito ng tingin habang umuupo sa harapan ko. "Pasensya na, I'm waiting for my brother, kung dito ako uupo mas madali ko siyang makikita."

"A-Ah, okay lang..." Hindi niya naman kailangan mag explain, mas lalo lang akong na a-awkward dahil hindi ako sanay makisalamuha sa ibang tao.

"Mag-isa ka lang ba?" I nodded. "Wrong, nandito kaya ako! Hindi kana mag-isa!" Kinagat ko ang gilid ng labi ko para maiwasan ang pag-ngiwi.

Parang ang korni naman kasi nang sinabi niya.

"Joke! Hindi ka pala mabiro, I was just trying to make you smile. Parang ang laki ng problem mo."

"Huh? Ayos lang naman ako..." Pineke ko ang tawa ko at kinuha ang baso sa gitna ng mesa na may lamang tubig.

"Kuya Morgan! I'm here!" Bigla itong tumayo at sinalubong ang isang lalaki na may kasama pang isang babae, sa tingin ko ay mag asawa ang dalawa.

"Allia, where's Vonn?" Kusang bumalik ang tingin ko sa kanila nang marinig ang pangalang binanggit nito, I'm not sure kung iisang tao ang tinutukoy nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seducing The Forbidden [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon