Clue 3
"Upo na kayo. Ba't antagal niyo dumating? Kanina pa kami andito." Bungad ni Demusa.
Napasinghap nalang ako at dumiretso na sa sofa. Buti nalang nasa VIP part kami at kami lang magkakasama. I hate too crowded places.
Napairap si Monroe sa hangin at nagtapon ng tingin kay Yeri na ngayon ay nasa may hagdanan pa at nakikipag kamustahan sa ibang kakilala. "Walang bago, ang kupad parin kumilos ng isang yun. Muntik na naming iwan ni Rael sa tagal ba naman mag-ayos."
"Sana iniwan niyo nalang HAHAHA." Ani Gynn habang kumakain ng piatos.
"Paano nga pala tayo nakapasok dito? Eh iba satin menor de edad pa." Tanong ni Monroe. Napatingin din ako kay Gynn at Musa. Oo nga, paano ba?
"Pinsan ni Bone may-ari. Pinaki-usapan si Kuya Vaughn, di naman daw tayo iinom." Aniya sabay inom nung Maria Clara.
Napatango tango nalang kami ni Mon. Kaya pala nakikita ko paminsan minsan sa timeline ko na dito sila tumatambay minsan. Kumuha ko ang basong may laman na grape juice at ininom yun.
"Ayan na ang gaga." Umirap si Gynn sa papalapit na si Yeri at tumunghay sa upuan.
"Tanginamoka sa susunod di ka na namin isasama."
"Chill lang musacakes qouh, miss mo naman agad ako. Nakipag-usap lang naman ako saglit." Anito at umupo sa tabi ni Monroe.
"Ulol."
Napatingin kami sa may bandang kaliwa at nakitang papalapit samin sina Bone, Psalms, Lester at Izekiel mula sa couch nila.
"Ladies." Ngisi ni Bone.
"CONGRATSSS MGA BB QOUH ANG GALING NIYO!!!" Si Yeri sabay takbo sa kanila at yakap. Laki talaga ng bunganga nito, umabot yata sa baba yung boses kasi may ibang napatingin sa banda namin.
"Thank you boss! Kaya lab na lab ka namin eh."
"Buti nagpapasok ng bata dito." Lester teased Yeri.
"Tru buti nalang maganda ako."
"San banda?"
"Bandang bunbunan. Sasapakin kita banda jan."
Napailing iling nalang kami. Hay nako, kahit kelan talaga palaban tong babaeng to.
"Oh mamaya na bardagulan kwentuhan na muna." Sapaw ni Musa. Tumayo ito at hinila sina Psalms at Izekiel para tumabi sa sofa. Lumapit naman si Bone kay Yeri at Lester sakin.
Habang nagkukwentuhan ay tahimik lang akong nakikinig sa kanila habang umiinom sa grape juice ko.
"Asan yung ibang kasama niyo?" Tanong ni Monroe sa kalagitnaan ng kwentuhan.
Napatingin kami kay Bone nung nagsalita ito. "Andun." Sabay turo sa pinanggalingan nila gamit baba. "May kasamang mga chix." Kumindat ito.
Nagtawanan naman sina Psalms. Napailing iling nalang si Izek. "Gago ka talaga Bone ikaw naman nagpadala kay Captain nung mga yun. Lagot ka talaga mamaya."
Nagtawanan pa sila at nagpalitan ng pananakot. I turned my head and looked at their room and saw a girl wearing a revealing dress get out of the room. Tsk. Boys.
Napatingin ako kay Yeri nang marinig itong dumaing. Sinapak pala ni Gynn yung kamay nitong kumukuha na naman ng chichirya.
"Kanina pa yang bunganga mo. Baka maubos mo na lahat to kakaumpisa pa lang natin." Sita Gynn.
"Ang takaw wala namang ambag." Ani Musa.
"Tingnan mo Zelle oh inaaway ako." Sumbong ni Yeri habang nagpapaawa sakin.