Chapter 2

307 4 0
                                    

Chapter 2

 

Ilang araw na ring hindi umuuwi si Ren dito sa condo namin. Tinatry kong tawagan pero walang sagot, ilang beses na. Nung tumawag ako sa secretary niya, sinabing nasa business trip daw ito at ngayong araw ang balik.

Bumangon ako. Naghilamos at nagluto na ng makakain. Medyo tanghali na ako nagising kaya panglunch na niluto ko.

Nung bandang hapon na, habang nanunuod ako ng palabas sa TV ay biglang tumunog naman yung phone ko. Kinuha ko ito at nakitang may isang message. Ito'y galing sa kaibigan ko, sa barkada namin ni Ren—si James.

 

From: James

May gig kami mamaya, nuod kayo ah! Sa dati lang. Yung mag-asawa diyan please lang wag masyadong KJ.

 

Nagdadalawang isip ako kung pupunta nga ba ako o hindi. Ilang buwan ko na rin naman kasing hindi sila nakikita, nakakamiss na rin mga kakulitan nila. Ang pinoproblema ko lang naman si Ren, baka ayaw niya.

Nagsend ako sakanya ng message...

 

To: Ren

Ren, pwede pumunta mamaya sa gig nila james? Okay lang sayo?

 

Nagreply siya, pero medyo natagalan... Nandito na ata siya sa Pilipinas.

From: Ren

Ok.

 

Ang tipid ano? Sanay narin naman ako diyan. Ilang buwan na ba yang ganyan sakin? Anim? Wala eh, ako rin naman may kasalanan ng lahat.

Nung bandang alas-sais na ay kumain na ako't nagready na para umalis. Ngayon nalang din ulit ako nakapag-ayos ng sarili. Halos di na kasi ako lumalabas ng condo, lumabas man ay pupunta kila mama o di kaya mag-grocery.

Sinuot ko yung nastock ko na damit na hindi ko pa nasusuot. Simpleng dress lang tapos flats. Ikinulot ko naman yung buhok ko tapos naglagay ng konting make-up. Napangiti ako ng hindi sinasadya ng tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

Antagal na rin pala. Long-time no see! Nasabi ko sa sarili ko.

Kinuha ko na yung bag ko at paalis na sana ng biglang bumukas yung pinto. May dala dala siyang maleta. Napatigil siya ng makita ako, tinignan ako mula ulo hanggang paa. Tapos bigla nalang siyang napa 'ahh'. Hindi sa nagandahan o nahumaling siya sa akin pero sa may naalala siya.

Gusto ko sanang sabihing 'Welcome back' kaso isip isip ko wala rin namang mangyayari.

"Wait for me" sabi niya. Umupo muna ako sa couch habang naghihintay sakanya.

I want him to compliment me. Like 'you're so beautiful' well, whatever! Not gonna expect.

"kumain ka na?" rinig ko galing sa kwarto na hindi niya man lang sinarhan yung pinto.

Bumuntong hininga na muna ako bago magsalita "hindi pa" sabi ko kahit kumain na ako kanina.

Ilang minuto siyang nagtagal sa kwarto at nang lumabas siya ay naka-casual na ito. Amoy na amoy rin yung pabango niya.

"kain muna tayo bago pumunta ng bar. By the way...uhmm" napahawak siya sa batok niya tapos ako naman naghihintay ng kasunod "nevermind" pagkasabi niya ay nauna na siyang naglakad papalabas. Siya yung nagpahintay tapos biglang mang-iiwan. Hai nako!

Let Me Come and Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon