Chapter 3

160 2 0
                                        

Chapter 3

"Ano ba! Bitawan mo nga ako" Sigaw ko sakanya. Tumigil siya't binitawan ako. Humarap siya sakin.

"Sab! Binabastos ka na nung lalake"

Napasmirk ako with a hangin na labas sa ilong "kelan ka pa nagkaron ng pake?"

"Sab, asawa mo ko"

"Asawa?" tumawa ako na may halong sarcasm pero bigla nalang may tumulong luha sa mga mata ko.

"so dapat lagi nalang akong nagpapabastos para matanggap mong asawa mo ko?" halos pabulong kong sabi. Patuloy parin ang pagpatak ng mga luha ko. Hinawakan niya ulit ako sa wrist at hinila papuntang kotse niya. Binitawan niya ako nung nasa tapat na kami ng kotse niya. "Get in" malumanay niyang utos pero may halong galit. Nung mabuksan niya na yung sa driver's seat na hindi parin ako gumagalaw sa pwesto ko, nagulat ako ng sinigawan niya na ako.

"I SAID GET IN!" pumasok agad ako sa kotse.

Napabuntong hininga siya. "Let's talk about this later"

***

Halata sa kanya na andun parin yung galit. Kinakalma niya sarili niya habang ako naman ay pumunta muna sa kusina upang kumuha ng tubig para mahimasmasan, medyo nahihirapan na kasi akong huminga dahil narin siguro sa sobrang pagiiyak.

Pagkabalik ko sa sala, siya na mismo nagsimula.

"Diba sabi ko sayo, kung ano man 'tong sitwasyon natin ngayon wag na wag mong sasabihin sa barkada"

"Sinabi ko ba? Ano ba naman yan Ren!"

"Ang problema kasi sayo ang landi landi mo!" Sakin niya pa sinisi.

"Sorry naman ah, di ko naman kasalanan kung sobrang nagandahan sakin si kuya kanina" pagrarason ko.

"Yun na nga eh. Umayos ka pagkasama mo ko lalo na pag andyan ang barkada. Wag kang pabastos" parang nagring yung tenga ko sa sinabi niya.

"PAKI CLEAR LANG AH. WAG MO KALIMUTAN YUNG 'ASAWA KITA SA PAPEL LANG' DIBA PABORITO MO 'YONG LINYA? ATSAKA DAPAT SABIHIN MO 'UMAYOS KA PAG ANDYAN ANG BARKADA PERO PAG ANDYAN SI JEN OKAY LANG KUNG MANGLANDI KA PARA MAKITA NIYA KUNG GANO KA KABITCH' DAPAT GANYAN PARA CLEAR SATING DALAWA AT ISA PA, ANG BABAW MO" pagkasabi ko nun ay tinalikuran ko siya.

"SAB!"

Bahala siya sa buhay niya, pagod na akong makipag-usap sa bata. Nilock ko ang kwarto.

Binabad ko sarili ko sa shower para mawala sakit ng ulo ko pati narin pagkabadtrip ko. Blinower ko muna buhok ko bago humiga sa kama. Siyempre hinding hindi ko makakalimutan yung nangyari kanina.


To: James

James, sorry sa nangyari kanina. Thank you narin.


Pagkasent ko niyan, pumikit lang ako tapos.......


Nagising ako na puro puti ang nakikita ko pero nasa tabi ko si mama. "Ma...Ma... how's my baby?"

"Sab..." umiiyak si mama sa gilid ko. "Ma...." Tumulo nalang luha ko ng biglaan.

"Ma.... No!"

"I'm so sorry Sab" Bumangon ako sa pagkakahiga kahit na masakit pa buong katawan ko.

"No! It's not true right? My baby's still here" umiling siya na puro luha ang nasa mukha.

"NO! you're not telling the truth!" Bigla nalang akong niyakap ni mama "I'm so sorry"

"NO!!!" Gusto kong magwala pero hindi kinakaya ng katawan ko. Konting kilos masakit.

Iyak ako ng iyak. Tinurukan nila ako ng gamot para kumalma, pero masakit parin puso ko. Kahit siguro anong gamot ibigay sakin hindi niyon maaalis yung kirot na nakatanim sa puso ko.

"Mommy, balloons" A kid calling me mommy. Tinuturo niya yung balloons na nasa kabilang kalsada.

"Wait. I'll just put this in my bag"

"Braille" pagkatingin ko sa tabi ko, wala na siya. Pero malakas na pagpreno ang narinig ko, tumingin ako sa kalsada...

"NO!!!"


"NO!" pawisan ako't umiiyak pagkagising ko.

"Sab!" may pagaalalang tawag sa akin ni Ren pagkapasok niya ng kwarto. Bigla niya akong niyakap, mahigpit. Eto na naman yung kirot sa puso ko, bumabalik na naman. Kirot na mas masakit pa kesa sa mabroken hearted.

"I'm here. I'm here" He keeps on comforting me.

"My baby" patuloy parin yung pagiyak ko, feeling ko basa na rin ang sandong suot niya dahil sa mga luha ko. Hinihimas himas niya yung likod ko. Ilang minutong ganon ang pwesto namin hangga't sa nahimasmasan ako

"I'm so sorry" I felt his lips touch my head.

"Kung hindi ko lang sana ginawa yun..."

"Stop it" kumawala ako sa yakap niya. "wala na tayong magagawa dun. Yung sakit andito parin. Stop regretting what you've already done"

"No...I'm so sorry. I meant it this time. I'm sorry for everything."

Napailing ako. "Let's make anew" he said.

"You're just saying nonsense." humiga ako't tumalikod sakanya.

"I know, nasabihan kita ng masasakit na salita kagabi. But I didn't mean it. I just got really angry how that man molests you and I'm just jealous, kaya nasabi ko yun."

"na malandi ako?" humarap ako at tumingin sa kanya.

"totoo naman yun eh. kaya nga kita napangasawa dahil sa kalandian ko." Told him with a sarcastic tone.

"Hindi naman ganun yun eh. Alam ko ako nagsimula, ako gumalaw sayo. Pero, hindi ko parin kasi matanggap..."

"oh diba? Tama na Ren. Alam mo 'tong pagsosorry mo sakin, ang babaw. Atsaka nasasabi mo lang 'toh kasi naaawa ka sakin o dahil sa napanaginipan ko na pangyayaring hanggang ngayon hindi parin humihilom. Kung pwede papahingahin mo na muna ako" Inis ang namutangi sa boses ko.

Tumalikod ulit ako sakanya at nagtaklob ng kumot hanggang sa nakatulog ako. 


   ✯✯✯✯✯✯✯✯✯✯✯✯  

(09/19/15) 


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Let Me Come and Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon