Nine

636 34 0
                                    

VIDA

Daldal lang kami ng daldal nila Kuya pag-dating namin sa venue. Halos lahat din ng makasalubong namin, natutuwang makita na kasama na ako nila Mommy dahil hindi daw nila inaakalang may nagiisang apong babae ang Lolo Ferdinand.

" Dayta ti anak ni Manang Imee? Nagpintas nga ubing.
(Iyan ba ang anak ni Manang Imee? Grabe ang ganda niya.) " a woman said

" Kasla nag subli ak edi 70s pay , jay panawen nga balasang pay ni Imee. Karuprupa niya gid dayta anak na. (Parang bumalik ako sa 70's noong panahong dalagang dalaga pa si Imee. Kamukang kamuka niya ang anak niya.) " sabi naman ng isang matanda

" Uy okinana nagpintas gid isuna maka bakla met isuna! (Uyy be! Ang ganda niya jusko nakaka bakla.) " when I heard that, lumingon ako sa kanila at kumaway

" Famous na famous ka na kaagad Bunny ha. " Kuya Borgy said. We're walking towards our chair. Kasama din namin sila Ate Carla, Ate Jamie, Ate Cara and my baby Mia.

" Parang si Vida ang pinunta nila dito hindi kami ni Mom. " Kuya Matthew added

" Hi po Ate Vida! " sigaw ng isang dalaga kasama ang kaibigan niya

" Hi! Naimbag nga bigat! " bati ko sa kanila kaya nagtilian sila

" Pwede po magpa picture sa'yo? " tanong naman nung isa niyang kasama

" Paano kapag hindi pwede? " i said na ikinagulat nila

" Charot lang! Oh, Kuya Matthew kuhanan mo kami. Ayusin mo ha baka mamaya pangit kami diyan. " lumapit naman ako sa mga babae at nagpakuha kami ng picture. Tinanong ko din ang mga pangalan nila bago kami pumunta sa harap kung nasaan si Mommy at Tito Tommy.

" Napaka babagal niyo naman. " Mommy hissed

" Sus, may iniiwasan ka lang kamo Mom. " I rolled my eyes

" May sinasabi ka ba Vida? " pandidilat ng mata sakin ni Mommy

" Wala ang sabi ko ang ganda mo Ma mana ka sakin. " sabi ko sabay upo sa upuan

" Syempre nanay mo ak- Bwisit ka talaga Vida. Anong mana sayo eh sa akin ka nanggaling. " nagsisimula na namang mamula sa inis si Mommy kaya tumayo ulit ako para yakapin siya

" Wag ka ngang magalit Ma. Five years kitang hindi naasar ng ganito kaya pagbigyan mo na ako. " niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan sa pisngi

" Pero kapag si Mommy ang nangasar tuwang tuwa pa siya. Ngayong nandiyan si Vida, pikon na pikon naman. " Kuya Matt said at agad na lumayo dahil masama na ang tingin ni Mommy

" Nakakatakot parin talaga ang Mommy niyo. " singit naman ng tatay nila Kuya

" Naku Dad, wag kang ganyan baka umuwi ka ng wala sa oras. " tatawa tawa na sagot ni Kuya Borgy

" Stop na nga, ganda ganda ng nanay ko binubwisit lang natin. " I said tsaka hinalikan ulit sa pisngi si Mommy

The program started after all the guest arrived. I was sitting in the middle of my Mom and my Kuyas and katabi ni Mom si Lola. Sayang lang at malayo sa upuan ko si Tati Irene, wala tuloy akong kadaldalan.

Habang may mga nagsasalita sa unahan, nakaramdam ako ng gutom. Magsasabi na sana ako kay mommy ng siya naman ang tinawag para magsalita. Kaya kinuha ko nalang ang purse ni mommy at tinignan kung meron ba siyang kahit biscuit man lang. Luckily, i found three chocnut inside. Kapag kasi si Mommy naglalagay ng snack sa bags or purses niya, she's always make sure na apat ang bilang dahil apat kaming magkakapatid. Kaya I know kung bakit tatlo lang instead of four hahaha but I'm hungry kaya I have no choice.

InconnueWhere stories live. Discover now