Chapter 1

3 2 1
                                    

Chapter 1

"Hyzeiah!"

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Hindi siya inabalang hintayin o maski pa lingunin.

"Fvck it. Hyzeiah, wait!" sigaw niya ulit.

Wala sa sarili akong napahawak sa bandang dibdib ko. Hindi naman na bago sa'kin ang ginagawa ni Syver—ang paggamit niya sa'kin bilang girlfriend niya kapag may umaamin sa kaniyang mga babae. Ganoon palagi ang set-up at... pumayag ako no'n.

Lihim kong pinagmumura ang sarili sa isip.

"Bahala ka sa buhay mo," bulong ko.

Paliko na sana ako para tumambay nalang sa library ng isang mainit na kamay ang humawak sa aking braso. Ang singkit na mata ni Syver ang sumalubong sa'kin ng nilingon ko ang ulo rito.

Habol-habol niya ang kaniyang hininga at hindi pa maayos ang pagkakasukbit ng bag sa likod. Nagmadali talaga siya para lang mahabol ako. After that scene in their classroom ay tumakbo na ako dahil hindi ko nakayanan ang intensidad na titig ng lalaki, bago iyon ay nakita ko pa kung paano nalaglag ang panga ng kaniyang mga kaklase.

Oh gosh, this is just the first day of class, and yet I am sure I will be the talk in the Lazarus High. What a good day, isn't?

"Are you okay?" si Syver.

Kumunot ang noo ko.

"Y-yeah,"

"Then why did you run?" his words are so careful kaya hindi ko naiwasan ang mapakagat labi at umiwas ng tingin. "Did I make you mad?"

Umiling ako. "Wala. Sa library lang ako."

"Hyzeiah," bumuntong hininga siya. "Are you mad at me?"

"No, Syver. I am not mad... at you,"

Mariin niya muna akong tinitigan tila'y tinatantya ako. He then sighed in relief when he got the answer he wanted. Ngumise siya.

Napatitig naman ako ro'n.

"Alright, so where are we going?"

"Sa library ako. Ikaw? Bumalik kana ro'n baka hinahanap kana nila Matthew..."

Inayos niya ang pagkakapwesto ng salamin ko bago ginulo pa ang magulo na niyang buhok. His hair looks mess but it made him more attractive. My best friend has a good face, e?

"Don't care," he shrugged his shoulder. "I want to come with you."

"Ma-boboring ka lang do'n..."

He smirked.

"No, baby. I will not."

"Wala kang gagawin do'n at hindi ka naman mahilig magbasa," I reasoned.

"Papanoorin kita. Mind you, I already like books..."

"No you don't. Hindi ka nga makatapos-tapos ng isang buong libro kapag magkasama tayo."

Inipit niya ang labi saka mahinang tumawa. Inirapan ko siya saka nagumpisa na ulit maglakad.

"I like books since you like it too... and besides, Siana like reading romance novel and she's always asking me to buy her."

Pinanliitan ko siya ng tingin. "Hindi ako naniniwala,"

Ang hirap naman kasi talagang maniwala na mahilig na siya magbasa ng mga libro, ang tamad-tamad niya rati pa! Palagi ko siyang nakikita na nagbabasa pero hindi naman niya tinatapos. Pumupunta pa siya sa bahay para lang manghiram ng libro tapos ay hindi naman pala niya tatapusin.

I know that Siana—his younger sister—loves books. Minsan ay nakikita ko ang babae sa garden nila at do'n nagbabasa. Parehas kami, hilig ko rin magbasa at sa hardin din ang pwesto. There is just something on nature that made me feel at peace everytime I want to be alone, with my weird books of course.

"Kumain kana ba?" Syver suddenly asked nang maraanan namin ang isang grupo na sabay-sabay kumakain.

It's lunch break, that's why.

"Hindi pa. Pero kakain rin ako maya-maya-"

Lie. Wala akong gana o planong kumain ngayon. My body is really weird, minsan talaga ay hindi ko maintindihan ang sarili ko, is this a girls things? Sometimes, I want to eat but after a moments ayaw ko na. I am really a hella weird... that's why no one wants to be friend with me.

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil huminto sa paglalakad si Syver at nakasimangot akong tinignan. Bumaba naman ang tingin niya sa lunch box na hawak ko, ngayon lang yata napansin iyon.

"Ngayon kana kumain. It's bad for you, Hyzeiah. To eat late. Hindi ka talaga nagbabago, kaya ang payat-payat mo, e." iling niya.

"Syver, mabilis akong mabusog. I ate breakfast earlier..."

"Hmm, a one bite of bread and a glass of milk. Nagbreakfast ka nga." sarkastiko ang tono niya.

Humarap ako sa kaniya.

"Is that for me?" turo niya sa lunch box.

Kinagat ko ang labi. Tumango ako.

It's a first day of class at sanay na akong dumaan sa klase nila Syver para ihatid ang pagkain niya. Since elementary I always does this. Hindi ko na dapat gagawin ulit iyon ngayon dahil malaki na kami pero mapilit siya, e.

Hindi rin naman ako ang nagluluto nito kun'di si manang. At may kasambahay naman sila para gawin din ang bagay na 'to kaya hindi ko maintindihan kung bakit niya 'to palagi sa'kin pinapagawa. Nangtitrip siguro?

Binasa niya ang labi at ngumuso.

"Eat me," nanlaki ang mata ko. "I-i mean eat with me." mabilis niyang pagtatama.

Pakiramdam ko ay nag-iinit ang aking pisngi. He chuckled, lowly when he saw how red my face are.

Damn you, Vergara!

Unnamed Heartbeat (Vergara Series #1)Where stories live. Discover now