VI

177 10 0
                                    

As Long As I Am With You
(Bizarre Love Triangle - Part II)




Chapter
VI



Jade's PoV


Kunot-noong sinundan ng titig ng taong kakapasok lang at ngayo'y nakatayo sa sala si Althea na kaka-walk out naman.



     "Ma," agaw ko sa atensyon nito. Napatingin naman agad siya sa aking gawi.


     "Good morning anak." Bati nito na kahit nag-iba ang expression ng itsura'y mababakasan naman ng matinding pagtataka, marahil ay sa nasaksihan sa pagitan namin ng asawa ko na ipinalangin kong hindi sana but is impossible dahil counter top lang ang nakaharang sa sala't dining area, kitang-kita ang mga nagaganap sa buong bahay.


     She took a few steps towards me at tinanong kung okay lang ako na agad kong tinanguan, baka kung ano pa kasi ang kaniyang isipin. "Sure?" Paninigurado pa nito.


     "Yeah." Lumapit ako sa kaniya't sinalubong siya ng yakap at beso. "Um, hindi ko alam na pupunta ka pala ngayon dito, sandali magpapahanda lang ako ng lunch–"


     "No need anak," naputol ang sinasabi ko at tinitigan ito. "I came here to visit you and hihiramin ko na rin sana ang mga bata if pwede, I miss them."


     "Sure ma." Tumingin ako sa labas, sa may garden kung saan nagtungo si Althea. "Ipapaalam ko muna kay Althea, okay lang po ba kung iwan ko kayo dito sandali, I'll just talk to her."


     "Okay, nasaan na nga pala si Jhea?" Si André lang kasi ang nandito, pinapakain ng yaya niya a few feet away from where we are talking. Nakangiting nilapitan ni mama ang anak ko na ngayon lang napansin ang lola sa tabi niya. "Hi sweetie."


     Kinausap niya ang apo samantalang iniwan ko sila saglit para puntahan si Althea outside.


     "–oo naman! Ikaw ang bahala kung saan tayo magkikita."


     Paglabas ko dito sa backporch ay agad ko siyang nakitang nakatayo sa may hagdan, maybe because it's still raining kaya hindi siya nakalayo at nagpunta sa gazebo. Nakatalikod siya at may kausap sa cellphone.


     "–pambihira ka, siyempre ikaw, ikaw 'yong nag-aaya eh– Jade!" Nasa kalagitnaan ito ng pagsasalita nang bumaling at nakita ako, natigilan tuloy siya at hindi natapos ang sinasabi sa kausap. "Ah wait lang ha, iti-text na lang kita." 'Yon lang ang sinabi nito saka pinatay at tinago sa kaniyang bulsa ang cellphone.


     Nagtataka ko siyang tinitigan dahil parang may itinatago ito with the way she's acting, it feels like she's guilty of something at hindi ko gusto ang nararamdamang suspicion towards her.


     "–kailangan mo?"


     Pero hindi ko na muna pinansin ang pagdududang sumibol sa aking utak, I choose to answer her question instead which is ano'ng kailangan ko at sinabing gustong hiramin ni mama ang mga bata sandali dahil nami-miss na niya ang mga apo.


     "Ba't ka pa nagpapaalam? Mga anak mo naman 'yon." Kibit-balikat nitong saad at umupo sa bench na nasa kalapit ng kinatatayuan namin saka muling dinukot ang cellphone sa kaniyang bulsa.


     Nakita kong in-unlock niya iyon and a new message popped up. Tatalikuran ko na sana ito dahil akala ko'y hindi na niya ako papansinin nang muli siyang magsalita. "Siyanga pala, pwede ba akong lumabas mamaya?"


As Long As I Am With You (Bizarre Love Triangle Part II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon