Chapter 9

1.7K 66 4
                                    

Chapter 9

I don't know how the days passed without being with my family. All I know is that I am happy. I'm happy because I didn't expect that I could handle it.

Pero alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya kung walang tumulong sa akin na patuyuin at unti-unting ayusin ang pakpak ng tagumpay ko.

Let's be pragmatic. We acknowledge our ability to tackle life's challenges, yet surpassing them often relies on the assistance of others. Yes, we always want to be independent but we need a helping hand.

You can always shine alone, like the sun, but it won't radiate as brightly without a shadow.

"Kailan mo naman sasagutin 'yon?" tanong ni Yllena.

I smiled. Kailan nga ba? Anim na buwan na siyang nanliligaw sa akin ngunit hindi ko pa rin siya sinasagot. Hindi naman siya nangungulit o nagtatanong ulit sa akin kung ano ang sagot ko. Basta, alam ko may tamang oras para roon, kapag ready na akong magpapasok ulit ng bagong mukha sa puso ko.

Hayes has held a special place in my heart since our childhood, and that space has expanded even more in recent months. He has been instrumental in helping me find my own path, purpose, and understanding of my worth.

He gave me hope to live.

To live to the fullest.

To live with control of my bleeding.

To live my life that I feel like living.

"Sa graduation." I chuckled. "Graduation gift."

Nanlaki ang mga mata ng babae. "Landi mo!"

Mahina kong hinampas ang braso nito. "Mana sa 'yo."

Just three weeks left, and we'll be graduating, so we're feeling extremely stressed right now. Bukod sa maraming pinapagawa at requirements para maka-graduate ay malaki rin ang ambagan namin. Dumagdag pa ang practice namin sa darating na graduation kaya sobrang hassle ng schedule namin ngayon.

Parang pinapatay kami. Ganito na nga agad sa senior high school, paano pa kaya sa college?

Hindi na rin ako minsan nakakapasok sa part-time job ko sa isang restaurant dahil sa sobrang busy. Mabuti na lang at may ipon ako mula sa mga natatanggap kong sahod mula roon. Kahit na may bagay akong gusto ay isinasantabi ko na muna dahil kailangan kong magtipid.

I stayed at Hayes's apartment. Fortunately, our neighbors didn't think negatively about us. Hati kami sa renta at bills. Sa pagkain naman ay ganoon din. Every week din kaming naggo-grocery para may stock kami dahil minsan ay nagkakaubusan sa palengke.

Nang magtrabaho ako sa restaurant ay nagtrabaho rin doon si Hayes para tulungan akong maka-ipon. Ang kalahati ng sweldo niya ay binibigay niya sa akin. At first, I resisted because he worked hard for it, but the guy was persistent, so I just accepted it, and I'm grateful for it now.

Of all the people I've met, he's probably the most genuine, kind, and gentle. I never felt like a burden to him. He always makes me feel special, loved, and deserving of the world.

"Tangina no'n, hindi nga tumulong sa research tapos nauna pa na mag-post ng research defended!" matabang na parinig ni Yllena nang makalabas ang teacher namin sa practical research 2.

Narinig ko ang pagtawa ng ibang kaklase ko habang ang iba naman ay napasinghap na lang.

Hinawakan ko ang kamay ng babae. "'Wag na Yllena."

She heaved a sigh. "Totoo naman, ah? Imbis na um-attend sa meeting. Inuna ang pagkerengkeng!"

Naramdaman ko ang pagtayo ng isang babaeng kaklase ko. Yllena is referring to Jessica. We're in the same group, and indeed, Jessica doesn't contribute anything. Inilagay lang namin ang pangalan niya sa lista dahil nakiusap ang mama nito sa amin.

His Tomorrow, My Yesterday Where stories live. Discover now