Kabanata 18 : Ang Regalo ni Señora

457 48 6
                                    

Kabanata 18 : Ang Regalo ni Señora

One week later

Rancho Montemayor


"Ano iyan?" sabi ni Arthur ng makita ang asawa habang nasa kuwarto nila. Nakaupo si Joyce sa kama habang busy ito sa pag-aayos ng damit na halatang kabibili lang nito base sa mga etiketa ng mamahaling brand ng damit.

"Paghahanda" nakangiting sabi Joyce sa asawa.

Napakunot noo si Arthur nasa bahay sila ni Joyce malapit sa Rancho Montemayor. Tama, bahay ng asawa niya dahil may prenup sila at kahit mag-asawa sila alam niyang nakikitira lang siya dito.

"Paghahanda para saan?" tanong ni Arthur habang nakatingin sa isang seksing damit na alam naman niyang hindi para kay Joyce o sa modelo nito.

"Sa first night ng magiging apo ko, para sa paggawa ng apo ko sa tuhod na gagawin ng apo natin." sabi ni Joyce na ikinanlaki ng mga mata ni Arthur.

"Ano?" sabi ni Arthur.

"Ang loko mong apo, balak yata ikama si Adira ng singkuwenta anyos? Alam mo iyon? Singkuwenta anyos? Naiisip mo? Inuuod na tayo nun, o baka nga may tumubo ng halaman sa puntod natin sa mga panahon na iyon." sabi ni Joyce na ikinamilog ng mga mata ni Arthur.


"Anong binabalak mo?"
tanong ni Arthur na parang alam na niya ang plano ni Joyce pero gusto niya makasigurado.

"Ahhmm. Tutal disi otso anyos na si Adira, at siya naman ang gusto ng apo natin na hindi ko mapahindian kasi mahal ko si Shadow. Kaya....

....balak ko gumawa na sila ng apo, tapos kung hihintayin niyang magsingkuwenta anyos si Adira para ipakilala at pakasalan. Bahala sila, basta gusto ko makita ang apo natin sa tuhod." sabi ni Joyce na ikinatitig ni Arthur dito dahil tila hindi niya mapipigilan ang spoiled brat niyang asawa.

"Magagalit sila Lukaz sa atin? Sa apo mo? At baka ilayo si Adira? Parang ginawa ng mga Cheung kay Ellie. Mas kawawa tayo, hindi natin makikita ang apo natin." sabi ni Arthur.

"Hahahaha! Sila ang hindi makakakita dahil may plano ako." sabi ni Joyce.


"Ano?"
sabi ni Arthur na tila kinabahan siya sa naiisip ng asawa niya kahit hindi pa nito sinasabi.

"Kapag nabuntis ni Shadow si Adira, kukunin ko si Adira at ipapasok ko sa modeling agency ko. Palalabasin ko na nasa training ito at hindi ko ipapakita sa kanila ng siyam na buwan kung saan may apo na tayo." nakangiting sabi ni Joyce.


"Ano?! Alam mo ba ang sinasabi mo?"
di makapaniwalang sabi ni Arthur.

"Hon, matanda na tayo lalo na ako. At baka mauna pa nga ako sayo mamatay. Kaya ang gusto ko maabutan ang apo ko sa tuhod, tulad nila Tiffany at ng mga kaibigan niya na nakita ang mga apo nila sa tuhod. Alam natin sa panahon ngayon suwertehan na lang ang makita mo pa ang apo mo sa tuhod hanggang talampakan." sabi ni Joyce na ikinatitig ni Arthur sa asawa.

"Malakas pa tayo, at alaga naman tayo ng doctor. Huwag naman natin pangunahan ang apo natin sa mga desisyon at plano niya." sabi ni Arthur.

"Nag-iisa lang akong anak, ganoon ka rin, tapos may isa tayong anak, may isang apo." sabi ni Joyce.


"Hindi ka ba masaya?"
sabi ni Arthur.

"Masaya, kaso gusto ko dagdagan ang saya ko. Lalo na pakiramdam ko, habang nagbibinata ang apo natin nagbabago siya ng gusto. Tulad ng sinuway niya ako, na ako pipili ng babae para sa kanya. Na hindi ko naman mahindian kasi ayoko magtampo siya at baka tuluyan siyang lumayo sa atin." sabi ni Joyce.

H16 : The Rancher : Shadow and Adira : CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon