Chapter 4 : Help

1 0 0
                                    

HELP





Bago magsimula ang mga laro para sa outing, nagsalita muna ang ibang mga faculties at ang dean namin.






"Students, we will have our relay race before chill time. Can you see what's in front of you? Thank you to all the teachers who gave their ideas and exerted all of their efforts to make these relay games for us."






"Sir, maputik!" narinig naming reklamo ng iba. Basa na kasi ang lupa dahil sa mga pag-ulan.






"Mas masaya kapag maputik! Mas thrilling," dagdag niya.






Nagsimula na kaming luminya kasama ang mga kagrupo ko. Bago pa man makapagsimulang maglaro, naririyan na naman ang ulan.






"Dapa ka, dali!" sigaw sa'kin ni Maggie. "Bubuhatin ko binti mo tapos maglakad ka gamit kamay mo."






"Joke ka ba?"






"Dali na! Mahuhuli na tayo!"






Nakita kong malayo na ang narating ng iba sa mga kagrupo namin kaya't wala na 'kong choice.






"Oh, my gosh!" malapit na kami sa huli nang mabitawan niya ang binti ko kaya bumagsak ako.






"Ang bigat ng binti mo!" reklamo niya.






Hindi agad ako nakapagsalita dahil mayroon atang pumasok na putik sa loob ng ilong ko.






"Wow ha! Ikaw kaya ang maglakad gamit ang kamay mo, mas nakakangawit!"






Ipinagpatuloy na namin hanggang sa nakarating rin kami sa wakas.






"Lahat iinom!" sigaw ng mga kasama namin. Binigay sa amin ang isang litrong bote na may lamang hindi namin alam kung ano.






"Ano 'to?" sigaw nila. "Kapeng maalat?! Nilagyan ng asin?!"






"Putang*na, ano 'to?!" inulit pa ng nasa likuran ko. Nilingon ko siya at kitang-kita ko sa mukha niyang hindi niya talaga nagustuhan ang lasa. "Oh, hi!" nag-iba ang ekspresiyon niya nang makita ako.






"Ang arte," bulong ko.






"Have you tasted it? It doesn't taste good-"






"And it won't kill you either," I flashed my sarcastic smile.






"Kuya Cleon," tawag ng lower years na kasama namin. "May solving!"






"Ano? P*ta, relay games tapos may solving pa? Solve mo nga, Clarence," pumunta siya sa unahan para tignan ang tanong na magbibigay sa amin ng clue tungkol sa sunod naming kailangang gawin. Nasa iba't-ibang parte na rin ang ibang mga grupo at gaya ng reklamo nila...






"Ang alat!" dinig naming sigaw.






"Diretso na sa dagat!" sabi ng watcher. "Make a human pyramid."






Tumakbo na kaming lahat papunta sa dagat at may anim na nagpresinta para sa gagawing human pyramid.






"Clarence, sa magkabilang gilid tayo tapos ikaw," turo niya sa isa pang medyo matangkad na kasama namin. "Sa gitna ka. Mga ading, kayong dalawa sa taas namin, and you cute woman, you'll be on top," turo niya sa'kin.






Leave to Live Long for LoveWhere stories live. Discover now