Chapter 10 : Check out

1 0 0
                                    

CHECK OUT





"Ate, why didn't you wait for Kuya kanina?" Zengiana asked while we're inside their car. "Hindi tuloy buo araw niya. He even told me that I will be taken to school by our driver. Ayaw niya 'kong makisabay sa kanya kanina para masolo ka niya."





Narinig ko na lamang ang malalim na buntong-hininga ni Cleon dahil sa sinabi ng kapatid niya. Hindi na rin siya nagsalita.





Nangiti ako pero alam ko namang pinagtri-tripan lang niya si Cleon. Alam kong nagpunta siya roon para ibigay ang take-home quiz ko.





Tumawa si Zengiana dahil sa pananahimik siguro ng kuya niya.





"Ayaw mo talagang sumama sa'min, Ate?" she asked about their plan on going to the beach. "Tomorrow na ang alis namin, Friday until Monday."





"Kayo nalang siguro," sagot ko.





"Are you busy? Marami ka bang gagawin?" tanong niya ulit.





"Wala naman. I just don't feel it. Tsaka no one will be with my Tita kapag umalis ako especially ilang araw."





"Aw, I'm sad," she said.





"Next time nalang siguro," I said.





"Yep, I should plan. We should go to La Union. I've never been there since I graduated from elementary. How 'bout you, Ate?"





"Ang tagal ko na ring hindi nakakapunta ro'n. The last time we went there was when my mom got home from abroad."





"Oh, your mom's abroad, Ate? Saan?"





"U.K," sagot ko.





"What's her work?"





"Doktor siya sa isang ospital du'n."





"Wow! Why didn't you pursue the same course as her?"





"Okay na 'yun. I want to be different from her and my Tita. Her course is also traumatic. Masyadong toxic, baka hindi ko kayanin."





Nagkwentuhan lang kami hanggang sa makarating na sa harap ng bahay.





Buong byaheng nanahimik si Cleon the reason why the drive was so peaceful pero at the same time, nakakapanibago.





Tumigil ang sasakyan ngunit bago ako bumaba ay umabante ako sa upuan at sinilip siya.





"May problema ka?" tanong ko.





Ang gana pa niyang mang-inis kaninang umaga tapos ngayon hindi nagsasalita.





He looked at me seriously, then shook his head.





"Sure ka?" paninigurado ko.




"Yeah," then smiled.





I smiled back at him, then decided to get out of the car.





"Salamat ulit, ingat kayo!"





Gaya ng dati, pinapasok niya muna ako sa gate tsaka sila aalis.





Biyernes ng umaga, nagsisimula na namang kumulimlim ang kalangitan at nagbabadya na namang umulan.





"Hay, hindi na naman ako makakapaglaba nito," si Tita Len.





Leave to Live Long for LoveWhere stories live. Discover now