Sa bandang kagubatan sa may lilim ng isang mayabong na puno na tinatakpan ng iba't ibang uri ng halaman, nagpapahinga ang isang nilalang.si Ina Mich Florente o simpleng Ina.
Napatitig si Ina sa particular na tanawin na di kailanman pagsasawaan ng kanyang mga mata. Ang lagasalas ng tubig na nagmumula sa pinakataas hanggang sa pagbagsak niyon ay tila musika sa pandinig ng dalagita. ang huni ng mga ibon ay di maikukumpara sa ano mang mga musika na patok na ngayon na lagging pumapalainlang sa tuwing binubuksan ng kanyang lola ang radyo..ano ba ngayon ang Inn? napangiti ang dalagita particular na nagustuhan niya si Taylor swift ang natural na magandang singer na kulot ang buhok. di ba't minsan wini-wish niyang sana'y magging siya ang mang-aawit pero napakaimposible niyon, suntok sa buwan.hanggang pangarap na lang niya ang american singer. napailing siya sabay baling sa mga orkidyas na ligaw na talagang sadya niya sa kagubatan.mukhang marami siya ngayon mapapagbentahan.pagkatapos niya mamayang busugin ang kanyang mata sa napakagandang tanawin na iyon bababa na siya sa bayan upang ibenta iyon.mahina na kasi ang kanyang lola, may rayoma na ito dala na rin ng katandaan.isa pa iyon sa dahilan kung bakit mag-isa lamang siyang nagtutungo ngayon dito ,dati rati kasama niya ang lola.ayaw kasi ng kanyang lola na mag-isa lamang siya. natural babae siya at dalagita pa. kung ito lang ang masusunod di siya nito hahayaan. "Maganda ka apo,' ito lagi ang katuwiran ng kanyang lola at maraming taga sakanila ang may kursunada kay Ina. lagi na lamang niyang tinatawanan ang sabing iyon ng lola. Oo maganda siya alam niya iyon kahit papano tumitingin pa rin naman siya sa salamin. simpleng gandang nakakaakit. natural at di na kailangan ng kolorete.alam niyang maraming naiinggit sa kanyang katangian.mahirap nga sila pero taglay niya ang kutis na pinapangarap ninoman.ang tindig na sa edad na kinse ay halos umabot na iyon sa 5\6.kakatwa man ang buhok niya'y di sa tipikal na probinsiyana lamang sapagkat nabiyayaan siya ng natural na brownies hair at pagnatatamaan ng araw nagiging reddish iyon.ang mga mata niya'y bilugan na may malalantik na pilik yaong sa manika mo makikita. at ang iris niyon ay kakulay ng kanyang haggang bewang na buhok.pero dahil sa taglay niyang ito din dahilan ng panunukso nang ibang tao.na kesyo daw anak daw sa buho or para lamang daw siyang tae ng kalabaw.di na niya nakagisnan ang Ina pero ayon sa lola niya nagmana daw siya sa kanyang Ina.duda siya kung sa anyo ang ibig nitong sabihin. maganda ito pero magkaiba ang ganda nila, nakita na niya kasi sa baol ng lola niya ang ritrato ni Zenaida. ayon sa lola niya nagtrabaho daw noon ang kanyang Ina sa lungsod nanilbihan daw ito bilang katulong.dala-dala na daw siya ng kanyang Ina ng magbalik na ito sa santa Isabel.walang-kinikilalang asawa at may batang dala.kaya naman nagging tampulan ang Ina at nagging rason ng mga itong umakyat at manirahan sa kabundukan para sa katahimikan nilang mag-iina. pero limang buwan pa lamang ang nakakaraan trahedya na agad ang sumabak kay Zenaida.landslide ang ikinamatay nito.ang lola na niya ang nag-alaga sa kanya mula noon kaya naman mahal na mahal niya ito at gagawin niya ang lahat para rito. magsisikap siya sa pag-aaral at balang araw ipatitikim niya rito ang ginhawa. pero kailan kaya iyon?isang kahig isang tuka sila masuwerte ng makatapos pa siya ng high-school.
Ah basta!gagawin ko ang lahat..
kumakanta pa siya habang binabagtas ang daan pauwi. di na niya alintana ang mabangin na parte ng bundok sapagkat tila parke na iyon para sa kanya.araw-araw nga naman na lagi siyang dumadaan doon.di sanay na.siya pa !mayabang niyang komento sa sarili.
Manila, Bueneventura corporation.
"This is bullshit!" galit na galit na saad ni Eiko.
nahintakutan ang secretarya kulang na lamang maihi na iyon sa sahig sa sobrang takot.sino naman kaya ang di matatakot sa anyo ng presidente? tila ito leon na handang lapain ang ninoman.
"Sir, I'm really sorry u-uulitin ko ..na lang ho,"nanginginig na wika ng pobre.
"You'd better do now, ano pang tinunga-tunganga mo , Quick" he raised his voice enough to cramble the whole room.nakatungong nagmadali ang secretarya sa sobrang pagkapahiya sa paligid sa sobra nga naman dami ng trabahante na nasa kanya-kanyang cubicle. at iyon ang eksenang naabutan ng nobya ng binata.napailing ito sa nasaksihan, di maipinta ang mukha ng nobyo na di na nito namamalayan na nandito siya.
BINABASA MO ANG
world apart
Romancespread the love. the cycle four. rated spg. some might be not appropriate , due to cursing words, sex, violent.