Chapter Two: Meet and Greet

92 3 0
                                    

SKY'S POV

Tamad na tamad akong bumangon sa kama ko.

Nagstretch ako pagkatapos, "Aaahh! I hate this day!" Sabi ko tapoa ginulo yung buhok ko.

Ngayon na kasi kami ipapakilala ni Krey bilang trainee Idols. Male idols to be exact. Gusto ko mang maging idol ay hindi ko gustong magpanggap bilang lalaki! Pinagsisisihan ko na na hindi ko binasa ang buong kontrata. Kung binasa ko lang yun, hindi mangyayari ito! Hay nako!

Tinatamad akong naglakad sa C.R. Pinagmasdan ko muna ang sarili sa salamin, "Simula ngayon, ako na si Sky Ferrer version 2.0" sabi ko bago gupitin ang buhok ko.

I will miss you, long hair!

Pagkatapos ay ginawa ko na ang dapat gawin.

Sinuot ko muna yung robe ko bago lumabas at dumeretso sa walk-in closet ko.

Naghalungkat ako ng damit na babagay panglalaki.

May nakuha akong damit at pinagmasdan ito. "Meron pala akong ganito." Sabi ko habang tinitignan yung damit na nakuha ko. Isang black leader jacket, white v-neck shirt, maong pants and rubber shoes na black. Gangster ang dating!

"Yep, kompleto na." Sabi ko ng makita ko ang lahat ng nakuha ko.

Pinagmasdan ko muna ito at ng masatisfy na ako kinuha ko na lahat ng ito at sinuot.

Pagkatapos ay lumabas na ako ng mansyon.

Nagpaalam na din ako sa parents ko na nasa Canada, ang sabi ko magbabakasyon lang ako sa Japan kaya mawawala ako ng ilang buwan.

--

9:45 AM, FOX ENTERTAINMENT BUILDING

Lumabas na ako ng kotse at pinagmasdan ang building na pagtatrabahuan ko.

Ng makapasok na ako ginreet nila ako. "Sir, do you have any appointment?" Tanong ng babae na nasa front desk.

"Yep, with the president. Just tell him that Sky is here." Nakangiti kong sabi.

Ngumiti siya pabalik. "Okay, sir." Tinaas niya na yung telepono at may kung anu-anong sinabi.

Ng ibaba niya na ngumiti siya sa'kin. "He said that you can go meet him now at his office." Tumango ako. "Thanks."

THIRD PERSON'S POV

Ng naglakad paalis si Sky hinawakan ng babae sa front desk ang kanang pisngi, "Ang gwapo." Bulong niya sa sarili.

Kumatok ng tatlong beses si Sky bago pumasok sa office ng President.

Nandito na si Krey male version.

"Bakit po may lalaki dito?" Tanong niya.

Ngumiti ang president, "Si Krey Santiago yan."

Nanlaki ang mata ni Sky. Napatakip pa siya ng bibig. "K-krey?! Siya yan? Omg!"

Umirap lang si Krey at ibinaling ang tingin sa President.

"President Woo, can we start now?" Bored na tanong ni Krey.

Tumango si president Woo ng nakangiti. "Okay, let us start."

Umupo na si Sky sa kabilang couch.

Ipinagdikit ni president Woo ang kamay niya. "Girls, I am very thankful that you signed the contract." Sincere na sabi nito.

Umirap nanaman si Krey, "Well, I didn't read the whole contract and signed it. Maybe if I did I will not be here today." Masungit na sabi nito.

"Okay lang naman na maging idol pero ang maging lalake? Ang hirap naman nun." Nakapout na sabi ni Sky.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Oppa is a girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon